KINSA SIYA? SINO itong isang singer na may gig sa ‘di kalayuang probinsiya ang hindi raw binigyan ng pangkain ang kanyang make-up artist?

ADVERTISING

KINSA SIYA? SINO itong isang singer na may gig sa ‘di kalayuang probinsiya ang hindi raw binigyan ng pangkain ang kanyang make-up artist? Kuwento ng aming source, ipinatawag ng singer ang make-up artist at pinasunod sa kanyang gig sa may ‘di kalayuang probinsiya. So may-I-bus travel naman itong si make-up artist.

Pagdating sa venue, minuk-apan agad ni baklush ang singer para maging handa na ito sa kanyang performance galore. Tom Jones na si make-up artist nang matapos niyang sinimento ang mukha ni singering. Pero ang ending, nagbayad lang ito sa kaukulang serbisyo niya as make-up artist. Hindi nito ni-reimburse ang ipinamasahe sa bus ng make-up artist, pati pangkain, hindi ito binigyan. Hindi na lamang kumibo itong si make-up artist at nangako ito sa sariling hindi na mu-ling seserbisyuhan si singering.

ADVERTISING

(Arniel Serato)

ADVERTISING