King of Facebook Wheel of Fortune Tyrone Oneza, dumating na sa bansa

ADVERTISING

King of Facebook Wheel of Fortune Tyrone Oneza, dumating na sa bansa

Tyrone Oneza
Tyrone Oneza

Dumating na sa bansa last June 16 ang tinaguriang “King of Facebook Wheel of Fortune” at singer na si Tyrone Oneza mula sa London.
10 Days lang daw munang mananatili si Tyrone Oneza sa bansa at kinakailangang bumalik sa London para sa kanyang mga naiwang singing engagements na natanguan na nito noon pa, bago nagbalak na bumalik sa Pilipinas.
At ‘pag natapos na niya ang kanyang mga natanguang shows sa iba’t ibang panig ng Europa, babalik ito sa bansa para ituloy ang plano nitong magkaroon ng sariling recording company at film outfit.
Sasamantalahin na rin nito ang pagpo-promote ng kanyang self-titled album sa iba’t ibang radio programs, mall shows, at TV guestings at para na rin maka-bonding niya ang kanyang mga supporter sa bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING