KINARMA AGAD: Jak Roberto, pinaiyak si Barbie Forteza dahil sa panloloko!

ADVERTISING
Vlog Watch

USONG-USO pa rin ngayon sa YouTube ang mga ‘Prank My Girlfriend’ type of videos. Ang latest celebrity na sumubok na ganitong prank ay ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto.

Hindi naman secret sa lahat na from ‘reel’ ay naging ‘real’ ang relasyon nila ng Kapuso leading lady na si Barbie Forteza. Naisipan ni Jak na i-prank ang kanyang girlfriend sa pamamagitan ng pagsabi na hindi ito nagsuot ng helmet gear at nakasando lang habang nagmomotor papunta sa GMA-7.

Dahil sa pagiging thoughtful na girlfriend ni Barbie, nag-alala ito agad at halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa boyfriend. Ang kaso, nakita rin ni Barbie ang camera na hindi napansin ni Jak. Aha! It’s payback time!

Kung ang girlfriend mo ay isang award-winning actress, baka ikaw pa ang makarma at maprank sa  galing niya sa pagdadrama, huh! Panoorin!

ADVERTISING
ADVERTISING