Kinakikiligang loveteams na wish ng fans na magkatuluyan

ADVERTISING

Kinakikiligang loveteams na wish ng fans na magkatuluyan

Kinakikiligang loveteams na wish ng fans na magkatuluyanMAY MGA artistang nakakikilig pano-orin because they look good together and they have great chemistry. Alam ko ang pakiramdam na ito dahil naging die-hard fan ako ng Guy and Pip loveteam. Noong panahon namin – parang walang impiyerno – lahat ay langit – basta magkasama lang sina Guy at Pip! Wala akong pinalagpas – pumila man ako ng mahaba sa sinehan at makipag-unahan sa pagbili ng mga komiks at magazine – maipa-kita ko lang ang walang patid kong suporta para sa kanilang dalawa.

Sa totoo lang, hindi naman kailangan na ang magka-loveteam ay magkaroon ng relasyon sa totoong buhay para maging patok sa mga fans. Pero hindi maikakaila na malaking bagay rin kapag tinototohanan nila. Minsan nga kahit sa wedding scene sa isang pelikula o teleserye ay umaasa ang mga fans na sana pati sa totoong buhay ay magkatuluyan ang kanilang mga idolo. Will the reel tandem prosper into a real relationship?  Walang imposible.

Hindi maikakaila that loveteams help a television series or a movie become more interesting to the public. Throughout the years, we have seen onscreen pairings that tickled the fancy of generations of showbiz fans. At ang ilan pa nga sa kanila ay nauwi ang team-up sa totoong buhay tulad nina Tita Duran and Pancho Magalona, Susan Roces and Fernando Poe Jr., Gloria Romero and Juancho Gutierrez, Alicia Vergel and Cesar Ramirez, at Perla Adea and Rommy Mallari.

I asked some fans kung sino sa mga kinakikiligang loveteams ngayon ang gusto nilang magkatuluyan sa totoong buhay at bakit. Here are their answers:

ADVERTISING

Sina Kim Chiu at Xian Lim because they look good together. – Daenah, 33 years old, account executive

Sarah Geronimo and Gerald Anderson. Bagay kasi sila onscreen at may chemistry silang dalawa. May kilig. – Quia Rui, 34 years old, media analyst

I like Kim Chiu and Xian Lim to end up together in real life. They have great chemistry on and off-screen. May kilig factor ang loveteam nila. Hindi pilit. Sana ay habambuhay nilang pakiligin ang kanilang mga fans. – Hana, 26 years old, writer

Sina Empress Schuck at Ejay Falcon kasi bagay iyong kakikayan niya sa pangiti-ngiting style ni Ejay. – Juris, 36 years old, housewife

Sa totoo lang, bagay sina Denise Laurel and Rafael Rosell. Even my friends abroad like their pairing. Maganda silang panoorin. Nakakakilig. I hope their realistic acting onscreen will end up for real. Wala namang masamang mag-wish, ‘di ba? – Terry, 32 years old, accountant

Siyempre po gusto kong magkatuluyan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla! Nakakakilig ang loveteam nila. Gabi-gabi nga ay inaabangan ko ang Princess and I para lang mapanood ko silang dalawa. Mga bata pa naman po sila at marami pang pwedeng mangyari pero sana ay sila na ang para sa isa’t isa. – Grace, 15 years old, student

Basta ako, solid Kathryn Bernardo at Enrique Gil! Dapat kung nasaan ang Prinsesa Mikay ay nandoon din ang kanyang Prinsipe Jao. – Shay, 17 years old, student

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING