KIMXI no more? Kim Chiu at Xian Lim, in-unfollow ang isa’t isa

ADVERTISING
KIMXI no more? Kim Chiu at Xian Lim, in-unfollow ang isa't isa
Xian Lim and Kim Chiu

NABULABOG ang mundo ng mga loyal KimXi (Kim Chiu-Xian Lim) nang marealize nila na in-unfollow na ng mga idolo nila ang isa’t isa sa Instagram.

Big deal ito para sa mga fans and supporters na umaasa na sa kasalan mauuwi ang pag-iibigang ito. Kahit never umamin ng direkta ang dating magka-loveteam, marami ang nagpapatunay na naging ‘real’ ang ‘reel’ tandem ng dalawa na nag-umpisa sa primetime show na ‘My Binondo Girl’.

ADVERTISING

More than one year na rin hindi nagkakatrabaho sa teleserye o pelikula ang dalawa. Sa big screen, unang nagsama ang dalawa sa ‘Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?’ na naging certified box-office hit. Mas marami naman ang natuwa sa romance-comedy movie nila na ‘Bride for Rent’ dahil dito lumabas ang chemistry at sexual tension sa pagitan ng dalawa.

Naging malamlam naman ang pagtanggap sa tambalan nila with their movie kasama si Ai-Ai delas Alas na sa super wala itong recall ay hindi namin maalala ang title. Ito nga yata ang naging hudyat para lisanin ni Comedy Queen ang Dos that time.

May ilan naman na nagsasabi na disappointed sila sa naging resulta ng ‘All You Need is Pag-Ibig’ kung saan featured loveteam ang dalawa along with JodiAn and KrisDerek. Maganda ang pelikula, pero hindi ito pinagtuunan ng pansin ng Star Cinema dahil mas binigyan nila ng exposure ang Vice-Coco movie.

ADVERTISING

Ang ‘The Story of Us’ naman ang huling KimXi project on TV. Naaalala niyo ba ‘yun o hindi na rin?

KIMXI no more? Kim Chiu at Xian Lim, in-unfollow ang isa't isa

Sa kasalukuyan ay pumi-pick up na sa ratings game ang pang-umagang drama na ‘Ikaw Lang ang Iibigin’ na reunion project nina Kim Chiu at Gerald Anderson o KimErald, na sumikat ng husto noong araw.

Si Xian Lim naman ay missing in action. Pagkatapos ng kanyang pelikula with Jodi Sta. Maria (na hindi as successful as The Achy Breaky Hearts or Everything About Her) at pa-concert sa Solaire Resort produced by his fans, wala na kaming balita sa kanya. May nagsabi na sa kanya dapat ang papel na Supremo sa La Luna Sangre, pero kay Richard Gutierrez napunta ito.

Bagamat never umamin, marami ang nalungkot sa posibilidad na break na sina Kim at Xian. Ano kaya ang rason? Kung simpleng tampuhan lang ito, sana’y maayos pa nila.

ADVERTISING