KimXi fans, dapat makampante: Xian Lim at Kim Chiu, magdyowa pa rin!

ADVERTISING

KimXi fans, dapat makampante: Xian Lim at Kim Chiu, magdyowa pa rin!

KimXi fans, dapat makampante: Xian Lim at Kim Chiu, magdyowa pa rin!
Kim Chiu and Xian Lim

REMEMBER ‘yong ipinost ni Xian Lim a couple of weeks ago sa kanyang Instagram account na “Goodbye”?

ADVERTISING
 
Naging viral yun at malaking issue sa mga fans and supporters ng actor-singer-performer.
 
Ang akala nga ng mga KimXi fans ay tungkol kay Kim yong ipinost ng binata.
 
‘Yun daw ay “goodbye” for the meantime sa kanyang social media account na for almost a week ay nagpahinga siya sa pagpo-post at pagbibigay ng mga updates sa kanyang followers.
 
“I’ve read na sometimes, we need to detach for a while. The goodbye does not pertain to anyone,”maikling paliwanag niya.
 
‘Anyone’ means detach from Kim?
 
Ngumiti lang ang binata.
 
Nang uriratin namin ang lagay ng ng puso niya (pertaining to Kim); ngumiti lang siya at sabay nag-thumbs up tulad sa “like”sign sa Facebook.
 

“Okey kami ni Kim. She’s very supportive sa mga ginagawa ko. She promised me na she will be at my show on July 15.” paliwanag ni Xi sa amin nang makausap siya ng one-on-one.
 
KimXi fans, dapat makampante: Xian Lim at Kim Chiu, magdyowa pa rin!Next month ay may show ang binata sa Solaire Resorts and Casino kung saan produced ng mga solid KimXim fans ang show sa pangunguna ng KATG (KimXi Around the Globe), na iba rin sumporta sa mga idols nila.
 
Kung sa unang concert ni Xian ay may sorpresa sila ni Kim for the fans nang umayaw sila ng tipong “dirty dancing”; sa Solaire concert ay may pasabog si Xian kahit hindi part ng mga guests performers ang dalaga.
 
Sa ngayon, super concentrated si Xian sa concert niya at magdadagdag pa siya ng isang classical number (nag-aral siya ng classical music) kung kaya’t magiging 20 songs ang ipe-perform niya.
 
Aside from The Songs in the Key of X; he is shooting “sexy film” with Coleen Garcia and preparing his solo painting exhibit,

 

Super talented talaga si Xian. Hindi lang actor, singer, performer, kundi isa din siyang pintor. Ask ko lang sa binata kapag nabasa niya ito: Naipinta na kaya niya si Kim sa canvass?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING