Kim Rodriguez, tinawan ang isyung break na sila ni Kiko Estrada

Kim Rodriguez, tinawan ang isyung break na sila ni Kiko Estrada

Kim Rodriguez
Kim Rodriguez

Super laugh ang young star na si Kim Rodriguez sa balitang break na sila ng kanyang naging ka-love team at close friend na si Kiko Estrada.
Tsika nga ni Kim, “Tito John, papa’no naman kaming magbi-break eh, hindi naman naging kami? Oo sobrang close kami, nanliligaw siyak, pero hindi naman umabot sa puntong naging kami.
“Kasi nga mas priority ko ang career ko at alam ko na ganun din naman siya. If magiging kami naman kasi, aaminin namin, kaya nga kahit siya nagugulat sa balitang ‘yun.”
Basta ang mahalaga raw kina Kim Rodriguez at Kiko Estrada ay okey sila at close friend pa rin, kahit may mga bali-balitang break na sila at not in good terms.

 

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo, gawa ng Fernando’s Bakeshop ang bonggang post-birthday cake

BONGGA ANG lahat ng naging cake sa selebrasyon ng kaarawan ni Kathryn Bernardo na gawa ni Tita Pinky Fernando ng Fernando’s Cakes and Bakeshop.
Ayon nga kay Tita Pinky, espesyal daw ang cakes na ginawa nila for Kathryn na naaayon lang para sa isang Teen Queen. Kaya naman halos lahat ng dumalo sa post-birthday celebration ni Kathryn na ginanap sa Le Reve at hatid ng kanyang loyal supporters na KB BUDDIES na 6 years nang sinusuportahan si Kathryn.
Bukod kay Kathryn, marami pang artista ang ginagawan ng cake nina Tita Pinky sa iba’t ibang klaseng okasyon like birthday, launching, concerts, atbp. Kaya naman ang Fernado’s Cakes and Bakeshop ni Tita Pinky ang tinaguriang “Cake of the Stars”.

John’s Point
by John Fontanilla