Kim Rodriguez, takot na masabunutan at masampal ng fans ni Bea Binene

ADVERTISING

Kim Rodriguez, takot na masabunutan at masampal ng fans ni Bea Binene

Kim Rodriguez & Bea Binene
Kim Rodriguez & Bea Binene

Habang kinamumuhian ang kanyang character sa “Hanggang Makita Kang Muli”, ang seryeng pinagbibidahan nila nina Bea Binene at Derrick Monasterio, mas natutuwa raw ang pretty Kapuso actress na si Kim Rodriguez.

Tsika nga nito, “Mas natutuwa po ako kapag may naiinis sa akin dahil sa pagiging maldita ko sa ‘Hangang Makita Kang Muli’. Kasi ibig sabihin, effective ako at makatotohanan kong nagagampanan ‘yung role ko.

“Kaya nga kapag nasa mall ako at may lumalapit at nagsasabing nakaiinis daw ako at gusto nilang sabunutan dahil sa pang-aapi ko kay Bea Binene, sinasabi ko na lang na role lang po ‘yun, mabait po ako sa totoong buhay. Tapos nare-realize nila na acting lang ‘yung ginagawa ko at hayun magpapa-picture na sila.”

“Ang ikinakatakot ko nga lang po, baka may bigla na lang sumabunot o manampal sa akin habang nasa mall o nasa ibang lugar ako. Hahaha! Baka iganti nila si Bea sa pang-aapi ko. Hahaha! Joke lang! Pero honestly speaking, nae-enjoy ko na po ang pagkokontrabida, lalo na’t marami ang nakaa-appreciate ng ginagawa ko,” sabi pa ni Kim Rodriguez.

ADVERTISING

Pero umaasa pa rin daw si Kim na mabibigyan siya ulit ng bida role na siya naman ang muling aapi-apihin sa soap.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING