Kim Rodriguez, pinabulaanan na nagli-live in sila ni Kiko Estrada

Kim Rodriguez, pinabulaanan na nagli-live in sila ni Kiko EstradaKim-Rodriguez

TINATAWANAN NA lang ng very charming GMA teen star na si Kim Rodriguez ang ‘di mamatay-matay na issue na nagli-live in na sila ng kanyang rumored boyfriend na si Kiko Estrada.
Tsika nga ni Kim, “Ano ba ‘yan? Until now ba, hindi pa rin namamatay ang issue na ‘yan?
“Pano naman kami magli-live in eh, hindi naman kami? Close friend lang kami ni Kiko at marami lang kaming mga bagay na parehong gusto kaya nagki-click ang friendship namin.
“‘Yung tita ko ang kasama ko sa condo ko at hindi si Kiko, kaya mali ‘yung inisip ng iba. Kung makikita man nila si Kiko sa condo, pumasyal lang siya kasama nu’ng iba pa naming kaibigan.”
Sa ngayon ay nag-change ng color ng hair si Kim na bumabay sa kanya. Sa ngayon daw naghihintay na lang si Kim ng kanyang next project sa GMA, pero makakasama siya sa 10th year anniversary concert ng UniSilver Time sa May 15, 2015 na gaganapin sa Aliw Theater, kasama pa ng ibang endorsers ng UniSilver Time.

Kyle Vergara, future heartthrob

Kyle-VergaraVERY PROMISING ang isa sa alaga ng Red Talents sa pamamahala ni Mr. Richie De Quina na si Kyle Vergara na malaki ang pagkakahawig sa Dream Dad cast na si Teejay Marquez. Isa si Kyle sa maituturing na Internet Sensation sa dami ng followers nito sa Twitter maging sa Instagram at Facebook.
Bukod sa pagkakaroon ng maamo at napakagandang mukha ay very talented ito at mahusay kumanta, sumayaw, at umarte. Isa rin ito sa ambassador ng MyPhone kasama sina Coco Martin, Daniel Padilla, Devon Seron, Kim Vergara, UPGRADE, atbp., at model ng Rejuv Ginseng Soap.

Ang makilala bilang mahusay na artista at sikat na TV commercial model ang pangarap ni Kyle na hindi malabong mangyari dahil sa kaguwapuhan nito at sa pagkaroon ng magandang PR, at higit sa lahat sa pagiging mahusay nitong umawit, sumayaw, at umarte.

John’s Point
by John Fontanilla