Kim Rodriguez, nanliit nang saktan si Bea Binene

Kim Rodriguez, nanliit nang saktan si Bea BineneHindi raw nakatulog ang Kapuso teen actress na si Kim Rodriguez, dahil sa kung ilang beses daw nitong nasaktan ang co-star sa “Hanggang Makita Kang Muli” na si Bea Binene.

Lumalabas kasing kontrabida ni Bea Binene si Kim Rodriguez sa nasabing serye, kaya naman maraming eksenang sasaktan at pahihirapan niya ang teen actress.

Tsika nga ni Kim, “Nanliit ako after nung eksena namin ni Bea na sinasaktan ko siya. Iba pala ang feeling ng ikaw ‘yung nananakit at nang-aapi sa teleserye, kumpara sa ikaw ang inaapi at sinasaktan.

“Nung umuwi na ako ng bahay, ‘di talaga ako makatulog. Iniisip ko pa rin ‘yung eksena. “Siguro dahil first time kong magkontrabida. Nakatsa-challenge kasi, kailangan lagi kang galit, laging mataas ang boses mo.
“Sabi ko na lang sa sarili ko, makasasanayan ko rin ‘yun.”
Dream come true raw para kay Kim ang mabigyan siya ng role ng katulad sa soap nila ni Bea, dahil magagawa niyang maging versatile pagdating sa mga roles na ibibigay sa kanya, na puwede siyang mag-bida at mag-kontrabida, at pareho niyang magagampanan nang buong husay.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleMaris Racal at McCoy de Leon, click na click ang tambalan
Next articleJulie Anne San Jose, nakabibilib na napagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

No posts to display