Kim Rodriguez, nagbabalak sumali sa Binibining Pilipinas

Kim Rodriguez, nagbabalak sumali sa Binibining Pilipinas

Kim-RodriguezHABANG HINIHINTAY pa ang kanyang next project sa GMA 7, busy ang magandang teen star ng GMA 7 na si Kim Rodriguez sa acting workshops sa bakuran ng Kapuso Network para mas mapaghusayan pa nito ang kanyang acting. Bukod pa riyan ang kayang mga mall shows, provincial showsm at TV guestings.

Pinag-iisipan din daw ni Kim ang sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya na mag-join ng pageant. If ever nga raw na sasali siya ay gusto niyang ready siya sa lahat ng bagay. Gusto raw nitong lalaban siya kahit papa’no kung mapag-isipan niya na gusto na niya.

Hindi naman daw nito itinatago na fan siya ng mga beauty pageant at nanonood ng Miss Universe Pageant. If ever nga raw na magdyo-join na siya, gusto nitong sa Binibining Pilipinas. Pero sa ngayon daw, wala pa sa isip nito ang sumali ng beauty contest, mas gusto raw nitong mag-concentrate muna sa pag-aartista.

John’s Point
by John Fontanilla