Kim Rodriguez, na-shock sa sandamakmak na basher nang magkontrabida

ADVERTISING

Kim Rodriguez, na-shock sa sandamakmak na basher nang magkontrabida

Kim Rodriguez
Kim Rodriguez

Ngayon daw na-realize ni Kapuso teen actress Kim Rodriguez na sa pagiging kontrabida pala ay magkakaroon siya ng maraming basher.

Marami nga raw ang nagagalit kay Kim Rodriguez sa pagiging maldita nito at sa pang-aapi kay Bea Binene sa “Hanggang Makita Kang Muli”, kaya naman daw medyo nagulat ito dahil hindi siya sanay na naba-bash ‘di katulad noong nagbibida pa siya sa mga serye ng GMA 7.

“Ganu’n pala ‘yun na kapag nagkontrabida ka, marami ang mamba-bash sa ‘yo. ‘Yung iba, below the belt na ‘yung tira sa ‘yo. Pero insiip ko na lang na baka naman nadadala sila sa acting ko bilang maldita, kaya naman ganu’n na lang ang reaksyon nila.

“Everytime nga na makababasa ako ng mga bash sa akin, nangingiti na lang ako. Kasi if, ganu’n ang reaksyon nila, ibig sabihin, effective ‘yung acting ko. Sabi nga, the more they hate you, the more na matuwa ka, kasi mas nagiging effective kang kontrabida.

ADVERTISING

“Ang fear ko lang, baka anytime may sasabunot na sa akin habang naglalakad ako or nasa isang event ako. Hahaha!”

Pero umaasa raw si Kim na sa kanyang next project, bida role naman ang ibibigay sa kanya ng GMA 7 para hindi siya ma-identify na kontrabida . Mas gusto raw kasi nitong makilala siya bilang versatile actress na kayang gawin ang lahat ng ipag-uutos ng director.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING