Kim Rodriguez, mula sa dugo’t pawis ang bagong condo unit

ADVERTISING

Kim Rodriguez, mula sa dugo’t pawis ang bagong condo unit

Kim-RodriguezMASAYA RAW ang Kapuso Teen Star at regular na napapanood sa Strawberry Lane na si Kim Rodriguez dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng sariling condominium unit along Quezon City.

Tsika nga ng magandang Kapuso Star, “Pinag-ipunan ko po ‘yun. Simula po nang mag-Tween Hearts ako, pinag-ipunan ko na. Kahit naman po dati, mag-isa lang talaga ako. Kapag walang pasok ang mga pinsan ko, pumupunta po sila. Ngayon po, nakakasama ko ang kapatid ko, pumupunta sila sa bahay.”

Dagdag pa nito na sa tulong daw ng kanyang mabait at masipag na manager na si Jenny Molina, unti-unting natutupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng bahay at sasakyan dahil ito raw ang umaayos ng lahat.

Nagpapasalamat din daw ito sa GMA 7 sa walang sawang pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto. Kaya naman daw 100% ang ibinibigay niyang trabaho para suklian ang Kapuso Network.

ADVERTISING

 

UpgradeUPGRADE, Jake, Michael at Kuya Germs, magpapasaya sa Marikina

 

MAGBIBIGAY-SAYA ANG isa sa hottest boy group sa bansa, ang Viva talents na UPGRADE na binubuo nina Kcee Martinez na siyang dost din ng SMAC TV singing contest show na “Sing For Your Dreams”, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Ron Ivan Lat, Mark Baracael, at Armond Bernas na gaganapin sa Oct. 1, 2014 sa Riverbank Marikina, 5pm para sa opening ng isang shopping bazaar.

Makakasama ng  UPGRADE ang mga co-Walang Tulugan With The Master Showman artists nila na sina Jake Vargas ng Strawberry Lane, Prince Villanieva ng Half Sisters, Pilyo, Marika Sasaki, Aki Torio , Michael Pangilinan (Star Records Artist), at ang nag-iisang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING