Kim Rodriguez, isa sa 10 kabataan na tatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award

ADVERTISING

Kim Rodriguez, isa sa 10 kabataan na tatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award

Kim-Rodriguez

ADVERTISING


SUPER DUPER
excited na raw ang Kapuso teen actress na si Kim Rodriguez sa darating na 63rd FAMAS 2015 na may live coverage sa Sept. 20 sa New Port Performing Arts Theater sa Resorts World Manila at mapanonood sa Sept. 27 sa ABS-CBN’s Sunday’s Best. Produced by 8 Tri Media Prod. Inc. at exclusive marketing arm ang Airtime Marketing Phils. Inc.
Isa kasi si Kim sa sampung kabataang tatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award 2015 sa FAMAS. Kasamang tatanggap ni Kim ng award mula sa Kapamilya Network sina Robi Domingo, Nadine Lustre, Diego Loyzaga, at Sofia Andres.
Samantalang apat rin ang tatanggap mula sa GMA at sila ay sina Miguel Tan Felix, Bianca Umali, at Kiko Estrada. Habang dalawa naman mula sa TV5 at sila ay sina Mark Neumann at Jasmine Curtis Smith.
Nagpapasalamat nga raw si Kim sa nag-iisang Master Showman na si Kuya Germs, dahil ibinilang siya sa sampung kabataang bibigyan nito ng award ngayong taon.

Pinky-Fernando-RamosPinky Fernando-Ramos ng Fernando’s Bakeshop, tunay na darling of the stars and press

 

ADVERTISING

KUNG MERON mang isang tao na puwedeng tawaging Darling of The Stars and Press, ito ay walang iba kung hindi si Ms. Pinky Fernando-Ramos ng Fernado’s Bakeshop.

Halos lahat kasi ng mahahalagang selebrasyon ng mga artista at press people, sikat man o baguhan ay sinusuportahan ni Ms. Pinky (Fernando’s Bakeshop) kaya naman love na love siya ng lahat.
At recently nga, ang isang member naman ng sikat na Internet Group Sensation na si Mark Baracael ng Upgrade ang sinorpresa ni Ms. Pinky nang regaluhan nito ng cake sa birthday celebration ni Mark sa Walang Tulugan With The Master Showman.
Very thankful nga si Mark kay Ms Pinky dahil sa napakaganda at napakasarap na Cake na ibinigay nito sa kanyang kaarawan.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING