Kim Rodriguez, ‘di nakikipagkumpitensiya kina Joyce Ching, Bea Binene at Joanna Marie Tan

ADVERTISING

Kim Rodriguez, ‘di nakikipagkumpitensiya kina Joyce Ching, Bea Binene at Joanna Marie Tan

Kim-RodriguezAYAW PATULAN ng maganda at talented GMA Teen Star na si Kim Rodriguez ang mga taong pinagkukumpara silang mga Strawberry Lane Girls na kinabibilangan nina Bea Binene, Joanna Marie Tan at Joyce Ching sa kung sino raw ba ang tunay na bida sa kanila.

Tsika nga ni Kim, hindi naman daw big deal sa kanya kung sino ang bida sa kanilang apat. Ang mahalaga daw sa kanya ay may trabaho siya para na rin daw may pambayad sa kanyang hinuhulugang condo unit sa SMDC.

Naniniwala naman daw itong hindi siya bibigyan ng GMA 7 ng show na hindi maganda ang kanyang magiging partisipasyon, dahil kung ilang beses na rin naman daw siyang nagbida sa mga soap ng GMA 7 mula sa Kakambal ni Eliana hangang sa Parasio Ko’y Ikaw.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING