Kim Rodriguez at pamilya, nagbakasyon sa Hongkong at Macau

ADVERTISING

Kim Rodriguez at pamilya, nagbakasyon sa Hongkong at Macau

Kim Rodriguez
Kim Rodriguez

Bakasyon grande ang isa sa main cast ng hit GMA serye na “Hanggang Makita Kang Muli” na si Kim Rodriguez at ang kanyang pamilya sa Hongkong at Macau.
Ito nga raw ang regalo ni Kim Rodriguez sa kanyang sarili at treat na rin nito sa kanyang buong pamilya. Ito nga raw ang kauna-unahang pagkakataon na nag-out-of-the-country si Kim kasama ang kanyang family kaya naman daw sobrang saya nito.
Ilang araw lang daw ang bakasyon ni Kim at ng kanyang pamilya sa Hongkong at Macau. Kailangan nitong bumalik kaagad sa bansa dahil na rin sa taping ng kanilang soap nina Bea Binene at Derrick Monasterio.
Bukod pa rito ang ilan nitong natanguang shows, bagong endorsement, at guestings sa iba’t ibang TV shows sa kanyang home studio, ang Kapuso Network.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING