Kim Rodirguez, gustong maging another Pia Wurtzbach

Kim Rodirguez, gustong maging another Pia Wurtzbach

Kim Rodirguez
Kim Rodirguez

Hangang ngayon ay hindi pa rin pala nawawala sa isipan ng magandang teen actress na si Kim Rodriguez ang makasali sa mga beauty pageant.
Ayon nga kay Kim nang makausap namin sa Pedro and Coi na pag-aari ng Miss Universe runner-up na si Shamcey Supsup-Lee at Lloyd Lee, “Bata pa ako Tito John, lagi na akong nanonood ng mga beauty pageant like Binibining Pilipinas. Kaya lumaki ako na nasa isip na someday makasasali rin ako sa mga ganu’ng pageant.
“Pero sabi ko nga, if sasali ako, kailangang paghandaan ko nang mabuti. Mahirap kasing sumabak nang ‘di ka sure. Kailangan, ‘pag sumali ka, handang-handa ka sa lahat ng aspeto.
“Kaya nga ngayon pa lang, gusto ko nang mag-training para ‘pag feeling ko, handa na ako, ‘yun ‘yung time na sasali ako.
“Pero matagal tagal pa ‘yun, kasi sa ngayon ‘yung pag-aartista muna ‘yung focus ko. Pero darating tayo riyan. Hahaha!”
Isa nga si Kim Rodriguez sa masuwerteng contract artist ng GMA 7 dahil sunud-sunod ang proyekto nito sa Kapuso Network, kung saan isa siya sa cast ng “Hanggang Makita Kang Muli.”

John’s Point
by John Fontanilla