Kim Domingo, posible bang pumalit kay Jennylyn Mercado sa ‘Love. Die. Repeat’?

HANGGANG ngayon ay naghihintay pa rin tayo ng opisyal na kumpirmasyon mula sa GMA kung totoong nagdadalang-tao si Jennylyn Mercado, na present leading lady ng bagong Kapuso na si Xian Lim sa upcoming romance-drama series na ‘Love. Die. Repeat‘.

Kim Domingo, posible bang pumalit kay Jennylyn Mercado sa 'Love. Die. Repeat'?
Xian Lim, Jennylyn Mercado and Kim Domingo

Matagal nang inaabangan ng fans ni Jennylyn Mercado ang kanyang pagbabalik-teleserye, na huling napanood noong nakaraang taon sa Philippine adaptation ng ‘Descendants of the Sun’ with Dingdong Dantes. Ito naman dapat ang first project ni Xian Lim bilang isang Kapuso, na matagal din naging identified sa Kapamilya Network. Ang huling teleseryeng ginawa nito ay ang ‘Love Thy Woman’ with her real and reel partner na si Kim Chiu.

Kinasabikan ng fans ang first team-up nina Xian at Jennylyn na bukod sa parehong staple ng romance-comedy films sa Pilipinas ay natural ang chemistry nila sa isa’t isa based on the pictures na inilabas ng GMA.

Ngayon na nababalitang buntis diumano si Jennylyn at nangangailangan ng bed rest, may malaking posibilidad na ma-shelved ang proyekto lalo na kung marami pang eksenang hindi nakukunan si Jen. Kung malapit na silang matapos, siguro naman ay kakayanin ni Jennylyn na igapang ito.

Pero paano kung sobrang maselan ang kanyang kundisyon?

In that case, puwede naman na palitan na lang si Jennylyn Mercado at maaaring magsama sila muli ni Xian in future projects. Ang naiisip namin na best na pumalit kay Jennylyn kung sakali ay si Kim Domingo, na originally ay kasama sa main cast ng ‘Love. Die. Repeat’. Tinanggal lang ito sa programa nang magpositibo sa COVID during the hotel quarantine. Si Myrtle Sarrosa ang pumalit sa kanya, na sobrang natuwa na siya ang napili dahil ‘dream role’ diumano niya ito.

Kung si Kim Domingo ang papalit kay Jennylyn, ito ang magiging biggest break ng sexy actress at deserve naman niya. Isa pa, magandang promotional tool na ‘Kim’ din ang pangalan ng dalaga, na katukayo ng real queen ni Xian. KimXi 2.0? Let’s give it a try!