Kim Domingo balik-trabaho sa ‘Regal Studio Presents: Bros B4 Rose’

MAGSISILBING comeback project ng sexy actress na si Kim Domingo ang bagong handog ng Regal Studio Presents na ‘Rose B4 Rose‘. Ang hunk actors na sina Jeric Gonzales at Rob Gomez ang leading men ng dalaga sa espesyal na proyektong ito na sinulat at idinirek ni Easy Ferrer.

Kim Domingo balik-trabaho sa 'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose'
Kim Domingo

Hindi siguro napansin ng ilang TV viewers dahil nakakapag-work from home ito para sa skits niya sa Bubble Gang, pero hindi pa nakakapag-taping muli si Kim magmula nang mag-umpisa ang pandemya. Dapat ay ang now-shelved project na ‘Love. Die. Repeat’ ang kanyang showbiz comeback project, pero kinailangan niyang umatras nang siya ay tamaan ng Covid-19 noong Agosto. Siya ay pinalitan ni Myrtle Sarossa, na kalaunan ay inihinto rin dahil sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado.

Happy si Kim sa kanyang bagong proyekto, kung saan siya ang bidang babae na si Rose.

“Ang karakter po na aking gagampanan dito ay si Rose. Dayo ako sa Manila. Ako ay pamangkin ng landlord ng boarding house na tutuluyan nina Lester and Vincent. Ako ang babaeng magpapa-ibig sa kaniang dalawa, at the same time, ang maggtuturo ng leksiyon sa kanilang dalawa,” kuwento ni Kim sa kanyang karakter.

Si Jeric Gonzales naman ang gaganap bilang Vincent, ang lalaking naka-match ni Rose sa isang dating app. Ang kaso, ginamit nito ang picture ng kanyang pinsan na si Lester (Rob Gomez), na kalaunan ay maiinlab din sa kanya. Sino kaya sa dalawa ang pipiliin ni Rose? May pipiliin kaya siya?

 

In fairness, sa  trailer pa lang ay may dating na ang bagong trio na ito na pinagsama ng Regal Studio Presents. Naaalala tuloy namin ang mga male-barkada films noon ng Regal na tingin namin ay puwedeng magbalik dahil lalaking-lalaki ang datingan nina Jeric at Rob habang si Kim naman ay talagang believable na subject of their desire.

Panoorin ang Regal Studio Presents: Bros B4 Rose ngayong Sunday, November 28, 4:35 PM pagkatapos ng Dear Uge.