Kim does the ‘Threesome Girl’

ADVERTISING

 Kim does the ‘Threesome Girl’

ADVERTISING

SA MGA NAGHIHINTAY nang pagbabalik sa primetime ni Kim Chiu eh, matatapos na ang inyong pag-aabang dahil malapit na siyang mapanood sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Binondo Girl. Hindi lamang isa kundi tatlong young actors ang makakapareha ni Kim sa bagong serye ng Dos. Makakasama ni Kim sina Papa Jolo Revilla, Papa Xian Lim, at Papa Matteo Guidicelli. Sa kanilang tatlo, si Papa Jolo ang fi rst time na makakatrabaho ni Kim. Hindi rin itinanggi ng tsinitang aktres na karagdagang pressure ang magkaroon ng panibagong mga kapareha sa bagong teleseryeng kanyang pagbibidahan. Naman, bukod

ADVERTISING

sa Binondo Girl eh, dapat itawag rin kay Kim ang pagiging threesome girl, he-he! Kayanin kaya ng lola n’yo ang tatlong leading men niya pagdating sa aktingan, huh? Buweno, umaasa naman si Kim

na patuloy pa rin ang suporta ng mga naging tagahanga ng team-up nila ni Papa Gerald Anderson. Muli rin niyang makakasama ang mga batikang aktres na sina Cherry Pie Picache, na nakasama niya sa Tayong Dalawa at si Ai-Ai delas Alas na nakasama niya sa Your Song Presents: Maling Akala. Samantala, ano kaya ang mase-sey niya sa kanyang mga magiging kapareha aber? Hmmm… handa na bang magmove

on kay Papa Gerald? Ha-ha, chos!

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING