Kim Chiu at Xian Lim, pinakilig ang mga nanood Star Awards

Kim Chiu at Xian Lim, pinakilig ang mga nanood Star Awards

1 Kim-Chiu-Xian-LimIBANG KILIG ang dulot ng pagsasama nina Kim Chiu at Xian Lim sa mga taong nanood ng katatapos na 31st Star Awards for Movies na ginanap sa The Theater ng Solaire Hotel Resort and Casino noong Linggo, kung saan isang malakas na hiyawan ang ibinibigay ng mga taong naroroon sa tuwing lalabas na magkasama ang dalawa.

Masasabi ngang isa sina Kim at Xian sa maituturing na hottest loveteam at inaabangan talaga sa bansa. Kaya naman daw bago matapos ang taon, muling magtatambal ang mga ito sa isang serye ng ABS-CBN.

At kahit nga sa backstage, kitang-kita ang kanilang sweetness sa isa’t isa at magandang samahan bilang magka-loveteam.

Bea-BineneBea Binene, regalo sa sarili ang Thailand trip

BOUND TO Thailand ang GMA 7 prime teen actress na si Bea Binene sa March 15, 2015, kung saan ilang araw rin itong mamamalagi sa nasabing bansa para magbakasyon kasama ang kanyang Mommy Carina, ang kanyang stylist, at handler.
Excited daw si Bea dahil first time nitong makapupunta ng Thailand. Ilan nga raw sa gusto nitong pasyalan ay ang floating market, night market, Siam Mall, at ilang sacred temple dito.
Bibisitahin din daw ni Bea ang Platinum Mall na katumbas ng 168 Mall dito sa Pilipinas at titingin ng mga fashionable clothes at accessories, atbp.
Pero bago raw ito tumungo ng Thailand, maggi-guest muna ito sa Yagit, kung saan isang mahalagang papel ang gagampanan nito sa nasabing top-rating serye. Bukod sa Yagit, on-going pa rin daw ang shooting ng kanyang self-produced film na Dinggin na kanyang pinagbibidahan at ipalalabas bago matapos ang taon.

Sef-Cadayona Sef Cadayona, hindi na natutulog sa dami ng shows

 

NAG-UUMAPAW RAW ang kasiyahan ni Sef Cadayona dahil sa kanyang bagong show sa GMA 7, ang Sabado Badoo, kung saan kasama niya ang equally talented na si Betong.

Tsika nga ni Sef na hindi na yata natutulog dahil sa dami ng shows nito sa Kapuso Network, kasama na riyan ang Bubble Gang, Sunday All Stars, Vampire Ang Daddy Ko, at Manny Pacquaio Sports Science na halos mula Lunes hangang Linggo ay may trabaho ito. Pero okey lang daw sa kanya, dahil matagal-tagal din daw niyang hinintay ang ganitong pagkakataon.

Naalala pa nga raw ito nu’ng mga time na nagsisimula siya at nangangarap na someday ay mabibigyan din ng pagkakataong magkaroon ng puwang sa showbiz at mabigyan ng kahit isang show. Pero ngayon daw ay ‘di lang isa, kundi limang shows ang ibinigay sa kanya ng Diyos.

Kaya naman daw sobra sobrang pasasalamat ang gusto nitong ibalik sa Diyos sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla