Kim Chiu at Xian Lim, naimpluwensiyahan ni Ai-Ai delas Alas

Kim Chiu at Xian Lim, naimpluwensiyahan ni Ai-Ai delas Alas

Xian-Lim-Kim-ChiuIBA NA nga ang timpla ng dalawa. Kumpara sa last movie nina Kim Chiu at Xian Lim na Bride for Rent na napanood namin the other night sa Cinema One Channel, sa bagong pelikula ng magka-loveteam na Past Tense, tila mas oks na ang dalawa. In short, hindi na sila tesyonado na humarap sa media compare noong huli.

Malakas talaga ang impluwensya at ang good vibes ng Comedy Box-Office Queen na si Ai-Ai delas Alas na magaling tsumika at bumangka at makipag-pr sa mga entertainment writers. Impluwensya ni Ms. Ai-Ai ang pagbabago nina Kim at Xian na kasama nila ang mega-PR na Box-Office Comedy Queen.

Slowly but surely ay natutunan na rin ng dalawa kung papaano kumamada sa press. Marunong na silang sumakay. Knows na nilang ngumiliti. Si Xian, alam nang kumarinyo. Charming naman si “Mokong” na ewan hindi niya alam gamitin ang charm niya para maging positibo siya sa entertainment press na noon ay tipong “nega” ang imahe ng guwapong baguhan.

Sa totoo lang, mas transparent ngayon sina Kim at Xian. They can speak bluntly kung anong status ng “romance” nilang dalawa. Basta panigurado ng dalawa, nasa ‘future” sila ng isa’t isa sa personal nilang mga buhay.

In short, hindi man diretsahan na malinaw na meron nang namamagitan sa kanila, sige na nga, sasakyan ko na sila sa kani-kanilang interpretasyon ng love and relationship kung ayaw man nilang aminin sa press na “Yes!” sila na ngang dalawa.

Habang si Ai-Ai ay very much in love at happy kay Gerald Sibayan, ang dalawa, maimpuwensyahan na sana ng Comedy Queen na maging open sa nararamdaman nila para masaya.

Reyted K
By RK VillaCorta