Kim Chiu at Xian Lim, may love scene sa bagong teleserye

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, may love scene sa bagong teleserye

Kim Chiu at Xian Lim, may love scene sa bagong teleseryeHindi kami imbitado sa presscon ng “The Story of Us” na pinagbibidahan nina Xian Lim at Kim Chiu na magpi-premier na sa ABS-CBN Primetime Bida, pero dahil  love namin ang KimXi especially si Xian, kaya help pa rin namin ang project ng Star Creatives.

ADVERTISING

Ayon kay Xian Lim, mas matured na raw ang role nila ni Kim sa “The Story Of Us”. May love scene na raw sila rito na never pa nilang ginawa sa mga naunang TV series ng Dos at maging sa pelikula.

Mas seryosong love story rin daw ang serye at hindi maikokonsider na romcom. Proud ding sabihin nina Kim at Xian na worth the wait ang paghihintay nila sa project dahil talagang pinaghandaan daw ito  at binusisi ng ABS-CBN.

“Naiibang Xian at Kim Chiu ang makikita ng tao sa teleseryeng ito. Kumbaga, nag-level-up na sila, hindi na sila pa-sweet lang dito,” sey ng director ng series na si Richard Somes na nagdirek din ng “Bridges of Love”.

ADVERTISING

Samantala, kahit super-sweet sa taping at kanilang mga private moments, wala pa ring pormal na pag-amin mula sa dalawa kung mag-on na ba sila.

“Basta mahal na mahal ko si Kim,” sabi lang ni Xian without confirming na mahal niya ang dalaga bilang girlfriend o bilang kaibigan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING