Kim Chiu at Xian Lim, magsasama sa dalawang pelikula

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, magsasama sa dalawang pelikula

Kim-Chiu-Xian-LimKUMPIRMADO NA dalawang pelikula ang pagsasamahan nina Xian Lim at Kim Chiu. Una na ang pagbabalik tambalan nila ng young actress, ang ikalawa ay silang dalawa muli ang magsasama pero makakatrabaho nila ang Comedy Concert Queen na si Ms. Ai-Ai delas Alas.

Tiyak na ipagbubunyi ito ng mga Kimxi fans na sobrang nakami-miss sa tambalan ng dalawa. Napaghiwalay man sa serye, kung saan napapanood ngayon ang aktres kapareha si Coco Martin sa Ikaw Lamang at may sisimulang serye naman si Xian sa katapusan ng Mayo, kung saan makakasama naman niya sina Carmina Villaroel, Ian Veneracion at Jessy Mendiola, dalawang pelikula naman ang nakalinyang gawin na magkasama ng dalawa.

Nu’ng nakaraang Lunes nga ay pumirma ng two-picture contract ang aktor sa Star Cinema at ang serye naman niya kasama si Jessy ay sa ilalim ng Star Creatives sa pamamahala ni Ms. Malou Santos.

Sa kabila ng ‘di magkasama ay ‘di ito nakahadlang para magpatuloy ang pagiging malapit nina Kim at Xian sa isa’t isa, patunay nga nito ay ang surprise birthday party na hinanda ng aktor sa kapareha nang magkasama sila sa America nitong Abril na labis namang ikinatuwa ni Kim.

ADVERTISING

Nang maaksidente rin ang aktres habang papunta ito sa taping ng Ikaw Lamang ay si Xian ang tinawagan nito para ibalita ang nangyari sa kanya, pinagpapasalamat niya na walang masamang nangyari sa ka-loveteam.

Hindi naman itinatago ni Xian na hanggang sa ngayon ay espesyal pa rin para sa kanya si Kim. Ang ikinaganda lang sa dalawa, hindi nila pinaaasa ang kanilang mga tagahanga na may espesyal na relasyon na namamagitan, kundi consistent sila sa pagsasabing malalim ang pagkakaibigan na kanilang pinagsasamahan at kung saan man ito papunta ay ‘di sila nagsasara sa anumang posiblidad.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING