Kim Chiu at Xian Lim, hitik sa love scenes at halikan ang bagong teleserye

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, hitik sa love scenes at halikan ang bagong teleserye

Kim Chiu at Xian Lim, hitik sa love scenes at halikan ang bagong teleseryeMixed emotions daw ang pakiramdam ng mabait na actor na si Xian Lim sa pagbabalik-tambalan nila ni Kim Chiu via “The Story of Us” na mapanonood sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa February 29, 2016.

ADVERTISING

Iniisip nito na baka matagalan na muling ipareha sila after ng “The Story of Us”, katulad ng nangyari sa kanila noon nang i-partner sila sa ibang stars ng Kapamilya Network.
Kaya naman daw sa muli nilang pagtatambal sa teleserye, masayang-masaya si Xian, dahil muli silang mapanonood na magkasama at natupad nila ang hiling ng kanilang mga tagahanga (KimXi).

Pangako ni Xian Lim na kakaibang role ang gagampanan niya rito sa mga role na nagawa na niya, kaya naman na-challenge siya sa role niya rito. Lalo na’t ito ang kauna-unang matured roles na ginagampanan nilang dalawa.

Balita namin ay hitik na hitik daw sa love scenes at halikan ang teleserye na siguradong ikakikilig ng fans ng dalawa.

ADVERTISING

Game na game nga raw rito sina Kim Chiu at Xian na gawin anuman ang kailangan sa istorya kaya wala itong naging problema sa set.
Marlo-MortelMarlo Mortel, planong dalhin sa iba’t ibang bansa ang kanyang business
HAPPY ANG tinaguriang ‘Boyfie ng Bayan’ na si Marlo Mortel dahil sa success ng kanyang bracelet at necklace business na Ornstal – stands for Oriental Stones and Crystals.

Sa ngayon nga raw, nagpapaplano na si Marlo na magkaroon ng sariling store ng kanyang negosyo. “Kapag sobra talagang nagkaroon na ako ng time at talagang sobrang kinagat na siya ng tao, baka magplanong magpagawa ng stall somewhere. Kasi maraming nagre-request na kung saan puwedeng bumili.”
Balak din nga raw nitong magkaroon ng Ornstal sa iba’t ibang bansa. ”Tapos ngayon naman, maraming nagre-request kung paano i-shop worldwide, na hindi pa namin nagagawa kasi parang medyo mahirap siguro ‘yun. So, ‘yun ‘yung pinag-iisipan namin.

“Pero who knows, ‘di ba? Konting sipag, magandang marketing, at quality ng produkto, baka makalusot kami. Libre naman ang mangarap. Hahaha! Kaya lulubus-lubusin ko na

“Ako naman, very positive mag-isip, kaya maghihintay lang at pagtatrabahuhan ko lang para magkatotoo ‘yung gusto kong mangyari sa negosyo ko,” pagtatapos ni Marlo.
Mister Philippines 2016Screening ng Mister Philippines 2016, on-going pa rin

 

ON-GOING PA rin ang screening ng pinaka-prestigeous male pageant sa bansa, ang Mister Philippines 2016 ng Mister Philippines, Inc. sa pangunguna ng president nitong si Dr. Joseph Pallera (Dermatologist , Aesthetic Surgeon, and practitioner of Aesthetic Medicine) na kanilang ipadadala at magiging representatives ng bansa sa Men Universe Pageant sa Punta Cana, Dominican Republic (July 5-15, 2016); Mister Global in Thailand (April 27-May 6, 2016); Mister Global Teen 2016 (July 2016); at World Championships of Performing Arts for the Best Male Model of the World sa Long Beach, California, USA, kung saan big prizes ang naghihintay sa mga mananalo.
Ang Coronation Night ng Mister Philippines 2016 ay magaganap sa April 14, 2016 sa Tanghalang Pasigueño, City Hall Complex, Barangay San Nicolas, Pasig City. Kaya naman tinatawagan ang lahat ng kalalakihan na may edad 18 to 31, at least 5′ 9″ tall with pleasing personality, at Filipino citizen sa magaganap na screening sa mga sumusunod na venues: Feb. 28 (1-6 pm) – Fashion Institute of the Philippines (16F One San Miguel Bldg., Pasig City (National Capital Region); Feb. 29 (1-6pm) – Lipa City Tourism and Museum Office, beside Lipa City Plaza Independensia (Batangas); March 6 (1-6 pm) Patio Olympia Urdaneta City (Pangasinan ); at March 13 (1-6 pm) – Crystal Waves Hotel & Resort, Talavera (Nueva Ecija).

Magdala lamang ng original and photo copies of birth certificate authenticated by the National Statistics Office, Philippine passport, hard and soft copies of set cards, and swimwear. They must also come in white shirt and jeans/pants. Interested parties may call 0916.500.7455 or e-mail secretariat@misterphilippinesinc.com para sa ibang detalye.

 

Elev8Starmall Mall Tour ng Elev8, naging matagumpay

 

NAGING MATAGUMPAY ang Starmall Mall Shows ng isa sa most refreshing boy group sa bansa, ang P-Pop group na Elev8 na kinabibilangan nina Jeff, Alla, Carlo, Gello, Renz, Anton, at Maui at ito’y sa pakikipagtulungan ng New Placenta, Olive-C, Ysa Skin and Body Experts, at Starmall.

Mula sa Starmall San Jose, Starmall Edsa, at Starmall Las Piñas ay dinumog ng kanilang mga tagahanga ang Elev8, kung saan naging espesyal nilang panauhin ang Mocha Gays, Generation 6, at si Ron McLean.

Kaya naman para sa iba pang update sa mga schedules ng Elev8, bisitahin lang ang kanilang FB, Twitter at Instagram group account na Elev8.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING