Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhay

ADVERTISING

Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhay

Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhayKIM CHIU recently celebrated her 23rd birthday. Parang kailan lang when she first caught the public’s attention as the chinky-eyed, bubbly girl when she joined the Pinoy Big Brother 1st Teen Edition where she emerged as the big winner.

Sa pitong taon niyang pananatili sa showbiz, we have seen how Kim has matured. Sa katunayan, she looked hot and sexy in her body-fitting outfit during her dance number on ASAP together with the G-Force dancers.

Bilang pasasalamat ni Kim sa lahat ng mga biyayang natatanggap, isang birthday charity event ang kanyang inihanda sa Isla Pulo, Navotas kung saan isang komunidad ang kanyang tinulungan at pinasaya.

Hindi maikakaila ni Kim that there were good and bad times in showbiz pero lahat ng ito ay kinaya niyang mapagtagumpayan. Sabi nga niya sa akin during her interview on The Buzz, “Sa akin wala akong nire-regret sa mga pinagdaanan ko sa buhay, ni isa, kasi thankful ako na nangyari sa akin iyon at this early age. Naharap ko sila at na-lampasan ko isa-isa. Kasi iyong iba darating iyong problema matanda na sila, so ako bata pa lang humarap na ko ng mga problema. From my parents, down to my friends and sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Thankful ako kasi ganito na ako tumayo ngayon.”

ADVERTISING

Ano ba ang kanyang laging dasal sa Diyos? “For God to give me more strength para maitayo ko ang sarili ko. Tinutulungan Niya naman ako, alam ko naman iyon. I’m so thankful and I’m so blessed.”

Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhayMabait si Kim sa kanyang pamilya kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya. “Inspiration ko ang mga kapatid ko. Kaya naman ako pumasok sa showbiz dahil sa kanila. Sa lahat ng mga nangyayari, wala ka talagang mapagkakatiwalaang tao kundi ang pamilya mo. Na-prove ko iyon kasi sa lahat ng mga nangyayari, nandiyan ang mga kapatid ko.”

She also thanked her fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. Laging pinatutunayan ng mga fans na umulan ma’t umaraw ay andyan silang lahat at handang ipag-tanggol ang idolo. “Dati [naaapektuhan ako sa mga bashers]. But now, sige bahala kayo. Hindi ko naman kayo mapi-please lahat. Pero inaaway sila ng mga fans ko. Nakakatawa minsan pero sobra akong nagpapasalamat dahil pinagtatanggol nila ako. Salamat sa pagmamahal.”

Kim turned emotional when asked if she has already forgiven Maja Salvador and Gerald Anderson who are rumored to be in a romantic relationship. Sagot ni Kim, “Siyempre madaling magpatawad pero mahirap kalimutan iyong ginawa nila sa akin.” Wala naman sanang magiging alingasngas kung nagka-developan man ang dalawa pero nagkaroon ng kontrobersiya dahil napapagitna sa kanila si Kim na alam ng lahat na kaibigan ni Maja at dating girlfriend ni Gerald. Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng lamat ang friendship nila Kim at Maja.

She said the reason she is able to work with Maja on Ina, Kapatid, Anak is because of her love for her work. “Professionalism siguro, number one, and sa pagmamahal ko sa trabaho ko.”

May gusot man sa pagitan nila ni Maja ngayon ay nais pa rin ni Kim na maging okay sila balang araw. “Oo naman. Wala namang nangangarap magkaroon ng pangit na buhay. Pero time will tell and siguro hindi pa ngayon.”

Kim looks radiant. Dahil ba ito kay Xian Lim? Kumusta na ba sila ngayon? “’Di ko masagot iyan’ pero masaya ako nandiyan siya. Thankful ako na andiyan siya for me.” In another interview, Kim revealed that Xian gave her a pair of earrings and a promise ring for her birthday.

Happy Birthday, Kim!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING