Kim Chiu, umaasa pa rin kay Gerald Anderson?!

ADVERTISING

Kim Chiu, umaasa pa rin kay Gerald Anderson?!

Kim Chiu, umaasa pa rin kay Gerald Anderson?!MUKHANG HINDI pa maka-move on itong si Kim Chiu sa kanyang first love na si Gerald Anderson.

In love pa rin itong si Kim kay Gerald, the reason why until now ay wala pang boyfriend ang dalaga. Until now kasi ay hindi pa nag-e-entertain ng suitors itong si Kim and she’s hoping that  Gerald will make an effort to win her back again.

Problem is, si Gerald naman ay hoping naman na babalikan siya ni Bea Alonzo kahit na may Zanjoe Marudo na ito.

 

ADVERTISING

ANGEL LOCSIN still wouldn’t say kung kailan talaga sila naging magdyowa ni Phil Younghusband.

“Kami ni Phil, pumasok siya sa buhay ko noong time na ayoko ng commitment, ayoko ng relationship. Sa tingin ko we’re more than that. Wala lang formality at wala naman akong nakikitang masama doon kung iyon ang nagwo-work sa amin,” esplika ng aktres na bida sa sitcom na Toda Max.

Actually, she enjoys the set-up dahil “meron nga diyan kasal na pero ang dami namang problema at hindi naman masaya. Kami masaya kami.”

Needless to say, inspired si Angel dahil kay Phil.

“‘Yung nagbibigay kilig, ‘yung happiness, parang ano, eh, hindi namin ini-expect. Siyempre nagkakilala kami sa Twitter so sino ba naman ang mag-e-expect na… kung ano ang nangyayari sa amin okay. Masaya kami pareho.”

 

NAKAKALOKA ANG pa-Christmas party ng TV5 sa press kamakailan. Maraming, more than half we think, ang umuwing luhaan.

What’s shocking ay ang sinabi ni Peachy Guioguio, PR head ng TV5, na hindi binanggit ng host na si Paolo Bediones na ang lahat ng hindi nanalo sa raffle ay puwedeng tingnan ang resulta sa electronic raffle for P2,000. Sabi ni Peachy ang binanggit lang ni Paolo ay electronic raffle for P1,000 na pre-drawn pala. Ano ‘yon, Peachy, bingi ang lahat ng nakarinig ng announcement ni Paolo? Mag-isip ka nga! ‘Wag mo ngang gawing tanga ang press.

Ang problema sa TV5, nag-a-announce sila sa Christmas party nila nang hindi nila napaninindigan kaya ang daming dismayado sa kanila.

 

BLIND ITEM: The mother of a young actor was the reason pala why the actor broke up with his actress-girlfriend.

Hindi feel ng madir ng actor ang actress-girlfriend ng kanyang anak. Mas gusto niya ang ex-girlfriend nito. At para hindi na sumama ang loob ng ina ay nakipag-break na lang ang actor sa kanyang nobya.

Sinex ang actor? Naku, siya ngayon ang nagpapasaya sa isang singer-actress na super higpit ang mother dear.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING