Kim Chiu, type ang style ni Xian Lim!

ADVERTISING

Kim Chiu, type ang style ni Xian Lim!

Kim Chiu, type ang style ni Xian Lim!SA MGA sinabi ni Kim Chiu na si Xian Lim ang itinuturing niya na pinakamalapit na lalaki sa puso niya at gusto niya ang istilo nito na sinusuyo ang pamilya niya, aminado ang aktor na sobra siyang na-touch sa mga sinabing ito ni Kim, lalo’t sila ang laging magkasama. Kakilala na ito ng kanyang ina at ng mga kaibigan at ganu’n din naman sa pamilya at mga kaibigan ng aktres.

Hiling nga ni Xian na sana ay magustuhan siya ng pamilya ni Kim, dahil mabuti naman siyang tao at wala siyang masamang intension sa kapareha. Nagbitaw rin ng salita na kahit na ano ang mangyari ay nandu’n lang siya para kay Kim at kung may kailangan at problema ito, nandu’n siya para problemahin din ang mga ito kasama ng kapareha.

Kasalukuyang nagte-taping para sa seryeng Ina, Kapatid, Anak kung saan magkakapareha sila muli ni Kim after My Binondo Girl, kasama rin si Xian sa pelikulang The Reunion, kasama sina Enrique Gil, Kean Cipriano at Enchong Dee. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Frasco Mortiz, under Star Cinema at mapapanood na sa darating na August 15 sa mga paborito nating mga sinehan.

 

ADVERTISING

IKINALUNGKOT NG marami sa mga tagahanga nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na mukhang natuldukan na talaga ang panliligaw ng aktor sa Pop Princess, kung ang pagbabasehan ay ang nakaraang guesting nina Mommy Divine at Daddy Delfin sa Sa-rah G Live nu’ng nakaraang Linggo.

Sa mga nabitawang salita ng dalawa at maging ni Sarah, mukhang sumuko na talaga si Gerald, kung saan nabanggit nga ni Momy Divine na may mga kundisyones silang hinihingi sa sinuman na manliligaw sa anak at mukhang sumuko rito ang aktor.

Iwas namang magbigay ng saloobin niya si Gerald tungkol sa nasabing isyu nang makausap namin siya nu’ng nakaraang Linggo ng hapon sa Star Magic Olympics. Nakiusap sa amin ang aktor na event ito ng Star Magic at ‘di maganda na intriga ang pinag-uusapan. Nangako lang ito na darating din ang tamang oras na magsasalita siya.

Pero nang tanungin namin kung kailan kaya ito, walang maibigay na depinidong sagot si Gerald. Nakaalis na ng bansa nu’ng nakaraang Lunes kasama ang kapatid patungong Egpyt para dalawin ang ama na nandu’n at magbakasyon na rin, isa rin sa lugar na balak na puntahan ni Gerald ay ang Holy Land na malapit lang sa Egypt.

Kim Chiu, type ang style ni Xian Lim!

Sumang-ayon naman sa sinabi namin na ito rin ba ang pagkaka-taon niya para mag-isip-isip, ayon kay Gerald ito rin ang panahon para makabawi sa pamilya niya dahil sa sobrang busy niya ng mga nakaraang araw. Ayon sa aktor, lahat naman tayo ay dumadaan sa mga pagsubok at ‘di naman sa lahat ng araw ay masaya ka. Sa bawat pagtatapos ng araw, ang pamilya mo pa rin ang nandiyan para sa iyo at ang nasa Itaas.

Isang linggong mawawala sa bansa, baka sa pagbabalik-bansa ni Gerald, dito ay ibigay na niya ang saloobin niya sa naudlot sana nilang pagmamahalan ni Sarah.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING