Kim Chiu, sumabak na rin sa daring role

ADVERTISING

Kim Chiu, sumabak na rin sa daring role

Kim-ChiuSUMABAK NA rin sa daring role si Kim Chiu. Sa pelikulang Etiquette for Mistresses ay gaganap siyang ilusyunadang probinsyanang kabit.

ADVERTISING

Si Kim ang pinakabata among other actresses na bida rin sa pelikula like Iza Calzado, Cheena Crab, Claudine Barretto, and Kris Aquino.

Ayon sa kuwento ni Kim, pinag-isipan muna niyang mabuti at binasa ang script bago niya tinanggap ang project dahil natatakot siya sa magiging reaksyon sa kanya ng tao.

Kinausap din daw siya ni Kris at binasang mabuti ang script bago siya tuluyang napapayag na tanggapin ang offer.

ADVERTISING

“Naisip ko, it’s time for me to mature, hindi na ako dapat pabebe na patawa, pa-jologs. Kailangan ko ring gumawa ng isang proyektong magsasabi na actress ako at woman na ako,” paliwanag niya.

“So, sa movie na ‘to, nasabi ko, ‘ay, woman na pala ako,’” dagdag pa ni Kim.

Ipalalabas na sa Sept. 30 ang Etiquette for Mistresses at pagkatapos ng promo niya for the movie, pupunta naman ang dalaga sa Palawan kasama si Xian Lim para mag-taping ng teleseryeng The Story of Us.

Etiquette for Mistresses is under the direction of Chito Roño and based sa libro ni Julie Yap-Daza about mistresess.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING