Kim Chiu, sobrang iyakin

ADVERTISING

Kim Chiu, sobrang iyakin

Kim-ChiuSOBRANG IYAKIN lang talaga si Kim Chiu kapag sobra siyang inaatake ng mga kontrobersiya sa showbiz. Pero sa totoo lang, magaling naman siyang magdala ng mga problema o maging pagtitiis niya sa mga ibinabatong intriga sa kanya. Ang katuwiran naman kasi niya, lilipas din ang mga iyon. Katuwiran din niyang nag-showbiz siya hindi para dibdibin ang mga pang-iintriga sa kanya, bagkus ay ang magtrabaho siya.

Hindi inggrata si Kim sa mga kabutihan at pagbabagong ibinigay sa kanya ng showbiz, at iyon ang lagi niyang ipinagpapasalamat. Aminado ang Tsinitang aktres, na isa sa mga bida ng pelikulang Past Tense ng Star Cinema, na bago siya sumali at nanalo sa Pinoy Big Brother Teen Edition, napakarami niyang problema, ganu’n na rin ng kanyang pamilya.  Dahil sa showbiz, ipinagpapasalamat niya na napakalaki at napakaraming nagbago sa takbo ng kanyang buhay na dapat niyang ipagsaya kesa ikalungkot.

Si Kim ang isa sa pinakamasuwerteng naging big winner sa PBB, dahil magmula nang sumikat siya ay hindi lumaylay ang kanyang popularity. Patuloy siyang nagbibida sa mga teleserye at pelikula. Sa ngayon, ang patuloy na nagiging intriga at pinupuna sa kanya ay kung bakit parang malaki raw ang ipinagbago ng kanyang hitsura, dahil sobra siyang gumaganda kumpara sa dati.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING