Kim Chiu regular co-host na ng ‘It’s Showtime’!

ADVERTISING

PAGKATAPOS magbida sa mabigat na panghapong drama na ‘Love Thy Woman‘, pagpapatawa at pagbibigay ng aliw sa madlang pipol naman ang nakatakdang gawin ni Kim Chiu.

Si Kim Chiu ang pinakabagong co-host ng daily noontime variety show na ‘It’s Showtime!‘. Matatandaan na matagal na noong hindi pa busy ang Chinita Princess ay madalas na dumalaw ito sa programa para maging guest co-host.

ADVERTISING
Kim Chiu regular co-host na ng 'It's Showtime'!
Kim Chiu

Ngayon na maluwag-luwag na ang kanyang schedule, swak na swak ang pagkakapasok niya rito na ikinatuwa naman ng mga madlang pipol na hanggang ngayon ay kumakapit pa rin sa noontime show ng Kapamilya Online Live.

Ani Vice, “Congratulations for officially becoming our kapatid dito sa Showtime. “Pero, thank you because you choose to stay with us, you choose to be with us. Salamat. Maraming salamat.

Naging emosyonal naman si Kim. “Thank you na pinayagan niyo akong tumuntong dito. And magkakasama tayo. Masaya lang ako na araw-araw tayo tatawa. Masaya ako na Kapamilya forever tayo.”

ADVERTISING

Sa Instagram ay nagpahayag ng pasasalamat ang Kapamilya superstar.

“𝙇𝙤𝙤𝙠 𝙗𝙖𝙘𝙠 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙜𝙧𝙖𝙩𝙞𝙩𝙪𝙙𝙚. 𝙇𝙤𝙤𝙠 𝙛𝙤𝙧𝙬𝙖𝙧𝙙 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙃𝙊𝙋𝙀.”

Thank you @itsshowtimena family sa masayang pag welcome kanina, sa mga hosts to the staff and crew. Thank you po!❤️ Maraming Salamat din po tita @cvvidanes @direklauren for this opportunity!❤️💚💙 Maraming Salamat!.
.
Madlang people mag kita kita po tayo araw araw. 😁 Patuloy na maghahatid ng saya at goodvibes saan man kayo sa mundo!🌎 #ShowtimeChiniTanghali

Maraming Kapamilya stars na talent rin ng Star Magic ang lalabas na sa ilang programa ng TV5 dahil sa naging problema ng ABS-CBN sa franchise renewal ng istasyon. Ilan sa mga Star Magic talents na mapapanood na sa Kapatid Network ngayong darating na Oktubre ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Billy Crawford, Dimples Romana, Ian Veneracion, Ritz Azul, Jane Oineza, RK Bagatsing at marami pang iba. Ito marahil ang dahilan kung bakit naging emosyonal si Kim Chiu sa pagiging regular co-host ng It’s Showtime.

Congratulations Kim! Siguradong masayang-masaya ang mga loyal fans mo!

ADVERTISING