Kim Chiu, pinatunayang nag-improve na rin ang kanyang acting skills

Kim Chiu, pinatunayang nag-improve na rin ang kanyang acting skills

Kim Chiu
Kim Chiu

Nag-evolve na rin ang acting ni Kim Chiu sa bagong series ng ABS-CBN na “The Story of Us”. Gusto niya marahil patunayan na hindi lang acting ni Xian Lim ang puwedeng mapansin ng televiewers sa serye.

May eksena si Kim sa “The Story of Us” na todo-bigay ang acting niya nang malamang patay na ang kanyang kapatid sa probinsiya. Grabe ang iyak ni Kim. Damang-dama ang pighati sa kanyang mukha at garalgal na boses.

In fact, marami rin pala ang napaiyak sa naturang eksena at nagalingan kay Kim. Tumagos din daw sa puso nila ang performance ni Kim at nakisimpatiya sila sa dalaga. In fairness, napaiyak din niya ako ro’n, ha!

Kung magiging consistent si Kim sa ganitong acting at magle-level-up na talaga siya, goodbye na nga siya sa mga pa-cute or pa-tweetums na role. Sa bagay, matanda na rin naman siya and it’s time for her to grow.

With Xian’s acting in “The Story of Us”, he really improved a lot and he studied his homework.

La Boka
by Leo Bukas