Kim Chiu, pinalalabas na pabayang anak

ADVERTISING

Kim Chiu, pinalalabas na pabayang anak

Kim Chiu, pinalalabas na pabayang anakBLIND ITEM: Nakatutuwa naman ang nangyari sa mag-asawang aktor at dating “teen” actress. Bago pa sila noon ikinasal eh, meron na silang “adopted child”. Tapos nga, nu’ng nagkaroon na sila ng sariling baby, eh ‘di dalawa na, ‘di ba?

Isang adopted at isang biological baby.

Pero may kuwento sa likod ng “adopted baby” nila. Ang naturang baby ay produkto ng isang kilalang couple.

At alam n’yo ba kung sino ‘yung couple na ‘yon? Hahahaha! Eh, ‘di sila rin.

ADVERTISING

Na-shock ba kayo? ‘Wag na kayong ma-shock dahil ayon sa aming source, ‘yun ang totoo. Itatanong n’yo ngayon kung paano nangyari ‘yon? Nanganak sa ibang bansa ang aktres, pero walang nakaalam, dahil nga may karir pa siyang babalikan noon.

Pero ngayon ay full-pledged mom na lamang siya ng dalawa nilang anak at sabi naman ng aming source, masaya naman ang dalawa, dahil sila rin ang nagkatuluyan sa bandang huli.

‘Wag na kayong manghingi ng clue, basta let’s be happy for them. Hehehehe.

 

KUMAKALAT NGAYON sa social media ang diumano’y pagkakapasok sa rehab center sa Tagaytay (daw) ng isang napakahusay umarteng young actor.

Nauna nang napabalita na nagiging sakit ng ulo sa set ng teleserye ang gwapong young actor, kaya napadali ang ending ng serye.

Sinundan pa ito ng isyung inindiyan nito ang guesting sa isang show na ikinalokah ng staff, dahil hindi sila p’wedeng pumak-ap kaya dali-dali silang kumuha ng replacement bago pa mapunta sa wala ang milyong halaga ng production cost ng araw na ‘yon.

At heto na nga ang latest: ipinasok na raw sa rehab ang bagets.

Hindi napagkikikita ngayon ang young actor, kaya hinihinalang posibleng nasa loob nga diumano ito ng isang rehab center.

Well, if this is true,  eh siguro nga, ‘yun ang tama para rin maituwid ang dapat na ituwid. Kami’y nanghihinayang sa young actor na ito, dahil mahusay pa namang umarte, tapos, sisirain lang ng bisyo.

 

TOTOO ‘YUNG “you cannot please everybody.” Maiintindihan mo kung ganito nga. Pero ‘yung namatayan na ‘yung tao, pinararatangan pang “pinabayaan” nito ang namatay na ina ay parang “foul” na.

Kaya nga ang kampo ni Kim Chiu ay nakikiusap na sana naman daw ay ‘wag huhusgahan si Kim na siya’y hindi naging mabuting anak, dahil unang-una, hindi naman daw ang mga taong kung makahusga ay parang alam ang mga totoong ginagawa ni Kim para sa ina nito nu’ng nabubuhay pa.

At ‘wag na ring kuwestiyunin kumbakit ayaw pag-usapan ni Kim ang tungkol sa iba pang bagay na may kinalaman sa “history” ng kanyang ina, dahil pinili niyang maging pribado na ‘yon.

Kahit nga kami ay may idea sa kuwento ng ina, pero bilang pagrespeto sa mga naulila ni Mrs. Chiu ay hindi na para kalkalin pa ‘yon. Bagkus tulad ng nakararami, mas makiramay at makidalamhati na lang tayo kay Kim.

Alam naming hindi biro-biro din ‘yung sakripisyo ni Kim para sa ina at hindi na para ipagbanduhan pa kung anong mga klaseng kabayanihan ang pinatunayan niya sa ina bilang isang mapagmahal na anak.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING