Kim Chiu, pinaglaruan ng hacker!

ADVERTISING

Kim Chiu, pinaglaruan ng hacker!Kim Chiu, pinaglaruan ng hacker!NALOKA NAMAN kami sa Instagram post ni Kim last Saturday dahil na-hack daw ang kanyang account at ‘yung hacker ay may malicious message na ipinost sa kanyang account.

Ang tinutukoy na malisyosong Instagram message ay litrato ng isang puzzle na hugis puso na may naka-caption na: “The more BOYS I met the more I realize that IT’s ONLY HIM I WANT TO BE’ :( PLEASE come back to ME (G.A)

Nabura kaagad ang nasabing post na nakakuha na ng 84 likes.

Itinanggi na ito ni Kim sa pamamagitan naman ng pag-post nito ng disclaimer message sa account niyang ‘chinitaprincess’, “good morning IG friends! i just want to inform you that my account has just been recently HACKED, i’ll keep you posted if it happens again, i just might make a new acct na, and please be informed that the recent post was not mine!!! GOD BLESS YOU, HACKER!!!!!!”

Naka-caption sa litratong ito ang mga salitang, “thank you @yescppicache @marvzie @haidzfernandez for helping me fix my instagram acct., natakot ako kinabahan ako sa hacker, I already change my password na, thanky you guyzzz,, what a way to start my morning!”

ADVERTISING

Ang huling karelasyon ni Kim ay si Gerald Anderson na may initial na G.A.

Kim Chiu, pinaglaruan ng hacker!

IWAS NA iwas si Maja Salvador na pag-usapan ang tungkol sa kung ano man ang namagitan sa kanila ni Gerald bago pa ang kanyang pag-amin last Thursday sa Bandila ng ABS-CBN na sinabi niyang sila na nga ng Kapamilya actor. Nakausap namin si Maja sa set ng bago niyang pelikula kasama si Senator Jinggoy Estrada na Tatay.

Nagpahayag na si Gerald Anderson na mahal niya si Maja sa panayam nito sa Star Studio Magazine. Ano ang masasabi niya na open na ang actor sa relasyon nila?

Medyo napa-isip muna si Maja ng ilang segundo bago sumagot nang, “Sa totoo lang po hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yan. Marami ang nagsasabing masuwerte ako, ganda ko, mahaba ‘yung buhok. Pero ‘yung sa akin, ‘di ko alam kung paano ko sasagutin kapag may nagtanong ng ganyan. Siguro, ‘di ko alam kung paano ‘yung ginawa ko, pero sobrang blessed ako na ganu’n na lang ako kaimportante para sa kanya talaga.”

Sabi pa ni Gerald, ang relasyon nila ay hindi kailangang itago, worth fighting for. Sagot ni Maja na nakangiti, “Talagang pag-uusapan natin ‘tong topic na ‘to?”

How proud of you sa pag-amin niya para hindi na rin kayo matatanong pa sa totoong estado ng relasyon n’yo?

Saad niya, “Nasa Star Studio (magazine) na eh, lahat na eh. Parang ‘yung sa akin, ‘yun nga sinabi nga rin niya na parehas kami, ayaw nga rin niyang idetalye lahat, hangga’t maari. Hindi naman kasi kami love team o kung ano para pakiligin ‘yung mga tao. Parang personal ‘yung sa amin eh. So, hangga’t maaari, ‘yun ayoko… parang tama na siguro po ‘yung kung ano ‘yung nabasa n’yo sa Star Studio, kung ano man ‘yung mga nilabas du’n at sinabi niya du’n, ‘yun na lang po ang panghawakan ko.”

Gaano kaya siya kasaya ngayong nahanap na ang totoong pag-ibig?

Pahayag niya, “Alam mo hindi lang pag-ibig ang happiness dapat, ako ini-enjoy ko ‘yung buhay ko, masaya ako at ‘yun lang y’ung importante ngayon para sa akin. Kasi ‘pag ikaw sinimulan mo ‘yung araw mo o sinabi mong sa sarili mo na magiging masaya ako, positive lang ang mangyayari sa akin buong araw, buong taon, ‘yun ‘yung mangyayari. Kahit anong bagyo man ‘yung dumating. Ikaw pa rin ‘yun eh. Ikaw kasi ‘yung magha-handle ng lahat.”

Panghuli pang tanong namin, “Pero ‘yung aspeto ng may nasirang friendship, anong take mo du’n?”

Medyo atubili si Maja na sagutin ang tanong na ito. Sabi niya, “Ay, hindi po kasi ako nagsasalita sa ganyan, sorry. Mas ‘yun nga… ‘yun pa rin ‘yung maririnig n’yo sa akin, uhm…”

Sabi niya, “Uhm, kahit gaano ko pa ka-gustong i-defend ang sarili ko, mas pipiliin kong manahimik na lang at nirerespeto ko kung ano man ‘yung mga naririnig n’yo.”

Dugtong pa niya, “Yun na lang… at kung ano man ‘yung opinion n’yo pa, basta ako ‘yun na lang, mananahimik lang ako. Thank you.”

 

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING