Kim Chiu pinagbabaril: ‘Wala naman akong kaaway, why me?’

ADVERTISING
Leo Bukas

LABIS na ikinabahala ni Kim Chiu ang nangyaring pamamaril sa kanyang van na nagapan kahapon ng umaga (March 4) habang nasa kanto sila ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia sa Quezon City.

“Wala naman akong kaaway or kaatraso. Why me?” nagtatakang post ni Kim sa kanyang Instagram account.

Kim Chiu pinagbabaril: ‘Wala naman akong kaaway, why me?’
Kim Chiu as Jia Wong in ‘Love Thy Woman’

Kasama ni Kim sa van ang driver niya at ang kanyang P.A. nang mangyari ang insidente. On the way sila sa taping ng Love Thy Woman nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilang lalaki ang kanyang sasakyan.

Post ulit ni Kim, “I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke.”

Ayon pa sa Kapamilya actress, natutulog siya sa sasakyan nang mangyari ang pamamaril.

ADVERTISING

“6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact.

“I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying ‘buti nakahiga ako.’

“Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?… I was so scared, I dont know what to feel right now.”

May mensahe rin si Kim sa gumawa nito sa kanya.

Aniya, “Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa. Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin.

“God protected us.”

Sa kabila ng nangyari ay dumiretso pa rin si Kim sa taping ng Love Thy Woman para ipakita kung gaano siya ka-proffefssional bilang artista. Nagpasalamat din siya sa mga nagpakita ng concern sa kanya pagkatapos ng insidente.

“A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot.

“Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us,” lahad pa ng aktres.

We’re trying to get the reaction of Xian Lim, ang boyfriend ni Kim, sa nangyari sa aktres but unfortunately, hindi niya sinasagot ang aming mga text messages.

 

ADVERTISING