Kim Chiu, nililigawan ni Enrique Gil?!

ADVERTISING

Kim Chiu, nililigawan ni Enrique Gil?!

Kim Chiu, nililigawan ni Enrique Gil?!NAKAUSAP NAMIN last Sunday sa ASAP Rocks si Kim Chui at agad ay hiningan namin ito ng reaksyon sa balitang pagpapadala raw ng mga hate e-mails ng mga KIMERALD sa mga manunulat at mismong kay Sarah Geronimo, kung saan tinawag pa raw ng mga ito na “pakawalang babae” ang Pop Princess.

Dinepensahan naman ni Kim ang tagahanga na sa pagkakaalam niya ay tanggap at sinusuportahan ng mga KIMERALD sina Gerald Anderson at Sarah at kung mayroon man sigurong gumagawa nu’n ay iilan lang.

Ipinaliwanag sa amin ni Kim na bilang mga avid fans nila ng dating kapareha, naiintindihan niya kung ganu’n man ang nararamdaman ng mga ito. Ang pinagpapasalamat niya ay patuloy silang sinusuportahan ng mga ito kahit buwag na ang tambalan nilang dalawa ni Gerald at may iba nang ipinapareha sa kanila.

Kinumusta rin namin kung patuloy pa rin ba ang closeness nila ng kaparehang si Xian Lim. Inamin sa amin ni Kim na nagkaka-text-an pa rin silang dalawa ng young actor at nu’ng nakaraang birthday nga ng anak ni Ms. Ai-Ai de las Alas, kung saan nag-dinner muna sila ni Xian ay sabay silang pumunta sa nasabing okasyon.

ADVERTISING

Bali-balitang nanliligaw daw ngayon kay Kim si Enrique Gil, ayaw kumpirmahin ng young actress kung totoo ba ito. Ang tanging nasabi niya lang sa amin ay mas mabuti raw kung si Enrique na lang ang tanungin, dahil bilang isang babae ay wala siya sa posisiyon na magsabi ng ganitong mga bagay.

‘Di man aminin, iba ang basa namin sa binitawang salita ni Kim, kung saan kailangan talaga naming matanong si Enrique tungkol sa panunuyo niya raw sa young actress.

 

SA PRESSCON ng Bioessence, kinumpirma sa amin ni Nikki na by April 30 ay aalis na ng bansa ang boyfriend na si Billy Crawford at susubukan muli ang kanyang international career sa Paris.

Kung matatandaan, nakagawa ng pangalan niya sa international scene pero piniling manatili sa bansa dahil naging maganda naman ang kanyang showbiz career at naging masaya sa kanyang relasyon kay Nikki. Ngayon ay nag-desisyon muli si Billy na balikan ang kanyang naiwang singing career sa Paris, kung saan balitang may nakahanda nang album doon ang singer/ TV host.

Kim Chiu, nililigawan ni Enrique Gil?!

Kinumpirma din sa amin ni Nikki na by June ang pagbabalik-bansa ng kanyang boyfriend, sa tanong kung wala ba siyang balak dalawin man lang si Billy sa loob ng halos tatlong buwan nito sa Paris, nagbigay pahayag sa amin ang TV host/actress na ang ganitong mga moments ay nirereserba nila ng boyfriend ‘pag nauwi na sila sa pagpapakasal at magha-honeymoon na sila.

Buo rin ang tiwalang ibinibigay kay Billy, kung saan positibo si Nikki na ang Diyos ang magdedesisyon kung talaga bang nakatakda sila ng boyfriend sa isa’t isa, aminado na marami siyang mami-miss kay Billy ‘pag natuloy na ito kung kaya sa ngayon na ‘di pa umaalis si Billy ay magkasama ang dalawa basta’t free sila sa kanilang mga trabaho.

Masaya sa mainit na pagtanggap ng tao sa seryeng Mundo Man Ay Magunaw, kung saan hinahangaan siya sa husay niya sa pagganap bilang isang bida/kontrabida sa istorya. Kamakailan nga, maging si Gladys Reyes na kilalang isang mahusay na kontrabida ay nagsabi na nagagalingan siyang umarte kay Nikki. Para naman sa aktres, inspirasyon ito  para sa  kanya  lalo’t  kilala na bilang isa sa mahuhusay na kontrabida sa bansa si Gladys.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING