Kim Chiu, nakikita pa rin si Xian Lim sa kanyang future

ADVERTISING

Kim Chiu, nakikita pa rin si Xian Lim sa kanyang future

Xian-Lim-Kim-ChiuSA PRESSCON ng Past Tense, na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas, Xian Lim at Kim Chiu, tinanong ang huli kung nasaan na si Xian sa buhay niya. Kung ito ba ay nasa past tense, nasa present tense o nasa future tense?

Nakangiti na bakas ang kasiyahan sa mukha ni Kim na walang kagatul-gatol na sinabi na wala raw sa past tense niya si Xian kundi nasa present at future tense.

Pagkatapos ng grand presscon ng Past Tense, muling sinabi ni Kim na maayos daw ang samahan nila ni Xian ngayon kumpara noon at nag-e-enjoy daw sila sa closeness nilang dalawa

Sinabi pa ni Kim, masaya siya kung ano raw mayroon sila ngayon. Ito raw ang tini-treasure niya sa kasalukuyan at pinahahalagahan. Nakikita rin daw ni Kim na kasama pa rin niya si Xian sa future, pero ayaw lang niyang mag-expect sa kung ano ang mangyayari.

ADVERTISING

‘Yun nga lang, ayaw pa ring aminin ni Kim ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Xian. Basta importante raw ay maayos at solid pa rin raw ang samahan nila ng actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING