Kim Chiu, nahihiya kay Kuya Germs – Morly Alinio

ADVERTISING

[ad#post-ad-box]

Kim Chiu, nahihiya kay Kuya Germs - Morly Alinio

Kim Chiu, nahihiya kay Kuya Germs - Morly AlinioMALI ANG BALITANG nagkausap na si Kim Chui at si German Moreno matapos na diumano ay “mabastos” ang taunang award na ibinibigay niya Kuya Germs sa mga  kabataan para sa FAMAS Award.

ADVERTISING

Ang balita kasi ay personal daw na kinausap nina Kim at Gerald Anderson si Kuya Germs. “No, hindi pa po. Wala pa pong nangyayaring pag-uusap. Actually, nahihiya nga po ako kay Kuya Germs pero sabi naman sa akin ni Mr. M ay okey na, nakausap na nila si Kuya Germs at huwag na akong mag-alala,” sabi ni Kim.

Ayon kay Kim,  hindi nila intensiyon na bastusin ang pagbibigay parangal ni Kuya Germs dahil noong FAMAS night ay naroon sila ni Gerald para tanggapin ang nasabing parangal. Nagkataon na matagal ang nasabing programa kung at kinailangan nilang umalis agad kahit hindi pa nila natatanggap ang German Moreno Youth Achievement Award. “Hindi na naman siguro kami pupunta du’n kung may intensiyon kaming mang-isnab. Kung medyo hindi pa siguro masyadong gabi at kung wala lang kaming gagawin ay maghihintay kami.”

Sinabi ni Kim na nasa bahay na nila ang award na ibinigay ni Kuya Germs. “Hindi ko po alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko si Kuya Germs kasi parang nahihiya talaga ako sa nangyari. Pero kung magsasalubong ang aming landas ay babati ako sa kanya at personal na magpapasalamat.”

ADVERTISING

PUMIRMA NG PANIBAGONG kontratang for two years si John Lloyd Cruz sa ABS-CBN at tuloy na ang gagawin nilang teleserye ni Angel Locsin at  movie with Sarah Geronimo and Bea Alonzo.

“Actually, unang gagawin ay ‘yung movie namin ni Bea at ‘yung kay Sarah ,e, baka matagalan pa iyon,” sabi ni Lloydie. Excited si John Lloyd sa muling pagsasama nila ni Bea. “Matagal din kaming hindi nagkasama kaya medyo excited ako.”

Sinabi pa  rin ng aktor na hindi na siya umaasang magkakabalikan pa sila ni Liz Uy pero hindi niya sinasarado ang kanyang pintuan sa posibleng mangyari sa kanila ng dating girlfriend.
INAMIN NI JUDY ANN Santos na namimili na siya ngayon ng mga damit pambuntis bilang paghahanda sa posibleng mangyari sa kanya sa hinaharap.

“Pagkatapos ng kasal, natural pagbubuntis na ang dapat kong isipin and then next du’n ang pagkakaroon ng anak,” say ng aktres.
Hindi naman ganu’n karaming maternity dress ang binili ni Juday pero sexy maternity dresses ang kanyang napili.

“Ewan ko ba, parang gusto kong isiping buntis ako pero wala pa talaga. Gusto na talaga namin ni Ryan na mabuntis ako.”

Ayon kay Juday, sa sandaling mabuntis siya ay hindi na siya magwo-work at pansamantala siyang hihinto sa pag-aartista para bigyan ng importansiya ang magiging baby nila ni Ryan.

“Plano na talaga namin ni Ryan na huminto ako sa work if ever na magbuntis ako kaya nga ngayon pa lang gusto ko nang tapusin ang lahat ng aking mga commitments para sa sandaling magbuntis ako, e, wala nang problema.”

Itinanggi ni Juday na nagpaalam siya sa Star Cinema at hindi na niya gagawin ang pelikula with Sarah Geronimo. “No, hindi totoo iyan. Tuloy na tuloy pa rin ang movie na aming gagawin. My God, hindi pa ako buntis para hindi ko tapusin ‘yung mga naunang commitments na  natanguan ko.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING