Kim Chiu, nagsuplada sa taga-media noong Undas

ADVERTISING

 alt=

Kim Chiu
Kim Chiu

Kung sobrang sweet daw sa telebisyon ni Kim Chiu, taliwas naman umano ito sa naranasan ng taga-media na nagko-cover sa paggunita ng Undas sa Cebu.

Sa ulat ng Cebu Daily News (CDN), ipinadala ang kanilang mga staff sa lahat ng major cemeteries sa probinsiya para kunan ng litrato ang mga public figure na bumibisita sa kanilang mga yumao.

Isa umano si Kim, kasama ang kanyang mga kaanak, sa mga nakita sa Cebu Memorial Park na bumista sa puntod ng kanyang ina.

Ayon pa sa ulat, tahimik na lumapit umano sa musoleo ng mga Chiu ang isang miyembro ng editorial staff ng CDN, nagpakilala, at magalang na tinanong ang mga kasama ni Kim kung puwedeng makuhanan ng litrato ang aktres. Ipinaliwanag din umano ng staff na bahagi iyon ng kanilang coverage para sa Undas.

ADVERTISING

Gayon na lang umano ang pagka-shock ng editor ng CDN sa mga sumunod na pangyayari, ayon pa sa ulat.

Habang ibinubulong umano ng kasama ni Kim sa kanya ang request ng CDN, inismiran lang umano ni Kim ang editor. Maangas din umanong sinabi ng aktres, sa pamamagitan ng kanyang aide, na i-grab na lang ang kanyang mga litrato sa kanyang Instragram.

‘Di pa roon nagtapos ang pagsusuplada umano ni Kim. Dagdag pa ng ulat, lumapit pa umano si Kim sa editor, pero hindi ito pinansin. Saka tinawag ang kanyang ama na naroon lang sa tabi, pero magkasalubong na umano ang kilay ng aktres.

Pagkatapos, nag-pose umano si Kim para sa isang private photo, kasama ang ama at kapatid na babae, sa harap ng puntod kaniyang ina. Para raw anghel sa kanyang pagkakangiti si Kim.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING