Kim Chiu, nagpadagdag ng boobs?!

Kim Chiu, nagpadagdag ng boobs?!

Kim Chiu, nagpadagdag ng boobs?!BLIND ITEM: KINUNSULTA kami ng isang aktres. Na-shock daw siya sa mga tweets na nare-receive niya na nagtatanong kung totoong nakipag-sex siya sa isang papansing boldstar.

“Huh? Juice ko, ano ‘yon? Saan galing ‘yon?”

At oo nga, me mga tweets na nagsusumbong sa kanya na sa interbyu ng nasabing papansing boldstar ay nasabi nito sa isa ring papansing TV-radio host na nag-sex na si Boldstar at ang aktres.

Sabi namin kay Aktres, “Hayaan mo na. Nagpapakontrobersiyal lang ang dalawang ‘yon, dahil gustung-gusto nilang nagre-reak ang mga tao sa kanilang pasabog.

“Deadma ka na lang,” sabi namin, “Pero ‘pag me nagtanong sa ‘yo, sabihin mo, ‘Hindi ko alam ‘yon. Sila ang nakaimbento no’n, sila ang magpaliwanag!’”

“Correct! Sige nga, ‘yan ang isasagot ko ‘pag me nagtanong. Ano kaya ang tinira ng mga ‘yon?”

Hahahaha!

‘Yun na!

 

NAKAKATUWA ANG ANAK nina Tito Dolphy at Ms. ZsaZsa Padilla na si Zia Quizon. Singer na singer na. May pinagmanahan naman kasi. ‘Pag nagsalita, si ZsaZsa, ‘pag umawit na, me sarili nang timbre ang boses.

Ang gandang bata, lalo na kung magpapapayat pa siya. Buti nga kamo’t natakpan ng gitara ang kanyang kalusugan. Pero madaling maremedyuhan ‘yan.

Pero ‘yung tatak-Dolphy at

tatak-ZsaZsa, nandu’n talaga. Feeling namin, gagawa ng sariling marka at identity si Zia sa showbiz industry, tulad nina KC Concepcion at Luis Manzano.

Hahaha! Kitang-kita, habang umaawit sa kanyang birthday celebration si Zia sa ASAP Rocks, once in a while ay ipinapakita ang inang si ZsaZsa na proud na proud sa anak nila ni Tito Dolphy.

Wish namin, maa-butan pa ni Tito Dolphy ang kasikatan ng kanyang anak hanggang sa magkaapo pa siya rito. Sa tuhod, ha?

 

ISA SA MGA hinahangaan namin at kinaiinggitan namin (in a positive way) si Kuya Boy Abunda bilang TV host, bilang talent manager, bilang tao at bilang kaibigan.

Kahit hindi kami nagkikitang madalas niyan, nandu’n ‘yung respeto namin sa isa’t isa. Yakapan lang namin nang mahigpit, alam na namin ang ibig sabihin.

Saka gusto namin ang kanyang attitude na igi-give up niya ang ibang trabaho niya para mapagtuunan niya ng atensiyon at panahon ang kanyang mahal na ina hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

Dahil katwiran ni Kuya Boy, wala siya kung wala ang kanyang ina.

Imadyinin n’yo, malaki rin naman ang kinikita niya bilang manager at may-ari pa ng Backroom, Inc., pero sa kanya, importante ang pera, pero mas importanteng mabigyan niya ng maraming oras ang kanyang ina ngayon.

Kaya naniniwala kami na kung ano ka ngayon, malaki ang kontribusyon ng kung ano ang relasyon n’yong mag-ina nu’ng bata ka pa.

Ang daming attitude sa buhay ni Kuya Boy ang aming ginagaya, in fairness. So ang tawag namin kay Kuya Boy… idol!

 

ILAN NA ANG nagtatanong sa amin kung nagpadagdag daw ba ng boobs si Kim Chiu?

Wala kaming konkretong maisagot, sa totoo lang.

Pero kung totoo man, ano naman ang masama? Eh, kung ‘yun ang makapagpapaangat ng kanyang imahe, ‘di ba?

“Wala namang masama. Ang masama eh, kumba’t kasi ayaw pang aminin?” sabi naman ng aming kaibigan.

Hay, nako… hayaan n’yo’t ‘pag nakita ko si Kim Chiu, itatanong ko ‘yan nang bonggang-bongga.

Oh My G!
by Ogie Diaz