Kim Chiu, naglabas ng katibayan na ‘di retokado ang ilong

Kim Chiu, naglabas ng katibayan na 'di retokado ang ilongMatagal nang iniisyu kay Kim Chiu ang pagpaparetoke umano niya ng ilong. Nasundan kasi ng mga tao ang ‘pag-iibang anyo’ ng dalaga mula nang pumasok ito sa Pinoy Big Bother house hanggang sa lumabas ito, kung saan tinanghal siyang big winner ng reality show.

Noong 2011, itinanggi na ng Chinita actress na nagparetoke siya ng kanyang ilong. Pero hanggang ngayon, ayaw pa ring tigilan ng mga bashers si Kim at ipinagpipilitan na nagpa-nose job ang dalaga.

Kaya naman sa Instagram, muling sinagot ni Kim ang isyu. Noong February 19, Biyernes ng gabi, nag-post si Kim Chiu ng kanyang 2014 photo, kung saan may sugat siya sa kanyang ilong. Nagmula ang sugat na iyon sa isang minor car accident.

Ayon sa report noong April 23, 2014, papunta si Kim noon sa taping ng “Ikaw Lamang” sa bandang Commonwealth Ave., Quezon City nang biglang nagpreno ang kanyang sasakyan na umiwas sa isa pang sasakyan. Sa lakas ng preno, tumilapon sa bandang harapan ng sasakyan si Kim na dahilan para magtamo siya ng sugat sa bandang ilong.

Sa caption ni Kim sa kanyang Instagram post: “Here it is.. don’t want to post this na sana pero para matigil na.. some people don’t understand puberty and what make up can do (thanks to my makeup artists). Ayan na po, last 2014 I got into a car accident and my nose got hit sa bakal ng car, it was bleeding so hard na ayaw tumigil that i was so scared. Kaya nagpa-check up ako and pina-Xray… when i got the result, its kinda off kasi the nurse told me ‘Ay, ‘Ma’am kim tunay pala ilong mo?’ Kinda off yung nurse but i just walk away.. #2014photo #justwannashare”

Tila katibayan naman ito ni Kim na hindi retokada ang kanyang ilong, dahil nga almost two years ago lang ang naturang insidente.

By Parazzi Boy