Kim Chiu, nagka-trauma dahil sa pamamaril sa kanyang van

ADVERTISING
Leo Bukas
UMIIYAK na ikinuwento ni Kim Chiu sa isang interbyu na kung gising siya at nagbabasa ng script nung niratrat ng baril ang kanyang van ay posible raw na tinamaan siya ng bala at baka nga namatay pa.
Kim Chiu, nagka-trauma dahil sa pamamaril sa kanyang van
Kim Chiu
Ayon sa aktres, napaka-traumatic ng nangyari sa kanya. Mabuti na lang daw at inantok siya habang on the way sila sa taping ng Love Thy Woman nung Huwebes, March 4, kaya minabuti niyang matulog.

“Masasabi ko na lang life is really precious. Kahit wala kang sakit, kahit wala kang kasamaan ng loob, kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na,” realization niya pagkatapos ng insidente.

Kaagad namang nag-isyu ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa nangyari kay Kim. Kinu-kondena nila ang pamamaril sa Kapamilya actress.

ADVERTISING

“ABS-CBN condemns the shooting incident this morning involving the vehicle carrying its artist Kim Chiu, her personal assistant, and her driver in Quezon City.

Kim Chiu, nagka-trauma dahil sa pamamaril sa kanyang van
Kim Chiu’s van after the tragic shoot out out

“The network is relieved that none of them got hurt and is taking measures to ensure their safety. Our priority now is attending to their needs as they cope with this traumatic experience.

“ABS-CBN would like to thank the authorities for quickly responding to the incident and securing Kim and her companions.

ADVERTISING

“We are currently working closely with the authorities who are investigating the incident in the hope that the perpetrators will be brought to justice,” official statement ng ABS-CBN.

 

ADVERTISING