Kim Chiu, nagdiwang sa hiwalayang Gerald Anderson-Maja Salvador?

Kim Chiu, nagdiwang sa hiwalayang Gerald Anderson-Maja Salvador?

Kim-ChiuISANG MALAKING rebelasyon nga ang ginawa ni Gerald Anderson sa presscon ng kanyang TV series na Nathaniel. Inamin niya kasi na totoong hiwalay na sila ni Maja Salvador.

Matatandaang naging sila ni Maja pagkatapos na makipaghiwalay si Gerald kay Kim Chiu na naging dahilan din ng pagkadismaya at galit ni Kim kay Maja dahil inaswang ng kaibigan ang kanyang boyfriend.

Dalawang taon din ang lumipas sa break-up nina Gerald at Kim na siya ring taon na pinagdusahan ng huli dahil ‘di matanggap na kaibigan pa niya ang aagaw sa kanyang boyfriend.

Well, naka-move on na si Kim at tila ngayon naman ay si Maja ang nagdurusa at nagdurugo ang puso sa break-up kay Gerald. Sabi tuloy ng mga intrigero’t intrigera, nakarma raw si Maja at ipinarama rin sa actress ang sakit ng mawalan ng minamahal.

Anyway tinanong si Gerald kung ano ang nararamdaman niya ngayon, at sagot niya: “Siyempre bad. But ‘yun lang, ‘yun lang po ang sasabihin ko. That’s all I’m gonna say.”

Sa kasalukuyan, wala pang sagot si Maja sa tunay na dahilan ng break-up nila ni Gerald. Sana lang ay walang third party involved dahil sobrang sakit ito sa parte ng babae, ‘di ba?

Hindi kaya sa nangyaring break-up nina Gerald at Maja ay nagdiriwang naman ngayon si Kim?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo