Kim Chiu, naba-bash nang husto dahil sa reunion project daw nila ni Gerald Anderson

ADVERTISING

 alt=

Kim Chiu (Courtesy of Instagram: chinitaprincess)
Kim Chiu (Courtesy of Instagram: chinitaprincess)

Kaliwa’t kanang pamba-bash pala sa social media ang inabot ni Kim Chiu dahil sa balitang muli silang magsasama ng dating boyfriend na si Gerald Anderson sa isang teleserye.

Gayunman, itinanggi ni Kim ang nasabing balita nang ma-interview siya ng mga reporter sa Eduk Circle Award noong Sabado, September 17. Wala umano siyang ideya kung saan nanggaling ang balita.

“Hindi ko nga po alam kung saan galing ‘yon, eh. Kung sinu-sino na lang po, bina-bash na lang ako. Pero wala pa pong ganu’n,” sabi ni Kim.

Ayon sa naunang kumalat na balita, papalitan umano ni Kim si Yen Santos na siyang makatatambal dapat ni Gerald sa gagawing seryeng “Because You Love Me”.

ADVERTISING

Pinatanggal na umano ng management ng Dos ang lahat ng eksenang magkasama sina Yen at Gerald dahil gusto umano nila na si Kim ang nasa lead role.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING