Kim Chiu, muntik nang umatras sa bagong pelikula

ADVERTISING

Kim Chiu, muntik nang umatras sa bagong pelikula

Kim-ChiuMALAKI PALA ang takot ni Kim Chiu nang i-offer sa kanya ni Ms. Malou Santos ang pelikulang Etiquette for Mistresses ng Star Cinema.

ADVERTISING

Kasi naman, with her pa-tweetums image at nakasanayang role sa mga projects na nagawa ay very daring ang karakter ni Kim sa pelikula na young singer na kabit ng isang lalaking may asawa.

Hindi ibinunyag kung sino ang lalaking nagme-maintain kay Kim sa movie. “At first natakot ako. Baka hindi matanggap ng mga fans. Siyempre, ang mga fans ang nakikita lang nila ay ang mga light drama and comedy na ginagawa ko lalo na with Xian (Lim) na nasanay na sila. Pero with this film, ibang-iba ako. More than a kikay,” natatawang kuwento ni Kim sa media.

Sa romcom kasi nakilala si Kim at sa unang pagkakataon sa kanyang career, she will play a young “kabit” from the province na ibinahay ng isang lalaki na may asawa at ginawang “kept woman” na ang pangarap niya at hinahanap-hanap na true love ay hindi niya nakikita sa akala niya lalaking magmamahal sa kanya.

ADVERTISING

Ang Etiquette for Mistress na halaw sa libro na isinulat ng journalist na si Ms. Julie Yap-Daza at dinirek naman ni Chito Roño ay showing na sa September 30 at kinabibilangan din nina Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, and Kris Aquino.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING