Kim Chiu, mas epek sa kikay role kaysa drama

ADVERTISING

Kim Chiu, mas epek sa kikay role kaysa drama

Kim-ChiuMEDYO LIGHT ang simula ng book 2 ng Ikaw Lamang series ng ABS-CBN. Pati ang karakter ni Kim Chiu bilang Daniela na kikay ay malayo sa karakter noon ni Isabel.

Maraming fans ang naka-miss sa ganitong role ni Kim na usually sa pelikula lang nila ni Xian Lim napapanood. Kaya naman bumaha ng magagandang reaksyon sa social media na obviously galing sa fans at supporters ng aktres.

“I’m grateful na sa transition ng story ng Ikaw Lamang ay medyo light ‘yung character ko. Pero sa latter part ng series abangan nila ang mga pagbabago sa akin,” kuwento ni Kim.

Naging ganap na “aktres” si Kim dahil sa Ikaw Lamang ng Dreamscape Entertainment at forever niya raw itong ipagpapasalamat.

ADVERTISING

“Dahil talaga sa Ikaw Lamang maraming nabago sa career ko. Sobrang dami ko ring natutunan kay Coco (Martin) at sa mga co-actor ko na nakasama ko na wala na ngayon sa book 2,” sey pa niya.

Kim is good in drama pero mas maraming nagsasabi na mas epek siya kapag kikay ang role. Agree kaya rito ang kanyang fans?

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING