Kim Chiu, mangiyak-ngiyak sa isyu na binili ang award

Kim Chiu, mangiyak-ngiyak sa isyu na binili ang award

Kim-ChiuMANGIYAK-NGIYAK SI Kim Chiu sa ibinabatong akusasyon na binili niya ang kanyang best actress trophy mula sa 28th Star Awards for TV.

Awang-awa kami kay Kim habang nagpapaliwanag siya sa show nina Boy Abunda at Kris Aquino recently.

“Sa tagal ko rito sa showbiz, ang sakit nu’ng pagsalitaan ka nang ganu’n. Masakit pagsalitaan ka nang ganu’n pero ‘pag nakikita ko ang award ko, na gawa ko… okay ‘yung ginawa ko sa Ikaw Lamang,” paliwanag ni Kim na naging emotional na.

Actually, nag-issue na ng statement si Kim sa kanyang Twitter account, saying, “kung binibili ang award sana bumili nko noon pa po.#justsaying #goodvibes lang po tayo dito. mag thank u kay papa God sa lhat ng blessings:).”

“Sa walo kong teleserye ay ngayon lang ako nakatangap ng recognition na matatawag ko na akin at best actress ko ‘yon. Siyempre pangarap ko ‘yon na magkaroon,” sabi pa ng dalaga.

We don’t think na binili ni Kim ang kanyang best actress trophy. Baka merong bumili, pero definitely ay hindi si Kim ‘yon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas