Kim Chiu, mami-miss ang acting coach na si Coco Martin

ADVERTISING

Kim Chiu, mami-miss ang acting coach na si Coco Martin

Kim-Chiu-Coco-MartinMASIPAG NAMAN kasi siya. Kaya nga kapag may tiyaga, may nilaga. Wala itong ipinag-iba sa mga artista natin na nagsimula sa wala na kahit papaano, dahil sa sipag nila at pagtitiyaga ay nagkabunga ang paghihirap nila at pagsisinop.

Ang tinutukoy namin ay si Kim Chiu na aminado naman na sa simula ng kanyang career sa showbiz after winning sa Pinoy Big Brother, malaking tulong sa pangkabuhayan nila ng pamilya niya ang pagpasok niya sa showbiz.

Ilang taong na ba sa showbiz si Kim? Almost five years na rin yata, Medyo matagal-tagal na rin na dahil sa kanyang kasipagan, ang perang kinikita niya sa pelikula, teleserye, mga product endorsements at TV commercials ay nakapagpundar siya ng isang disenteng bahay para sa kanyang mga mahal sa buhay.

Pero ngayon na malaki-laki na ang kita ng young aktres, this time gusto naman niya na magkaroon ng mas malaki-laking haybols para sa pamilya niya. Ang unang bahay at lupa na naipundar ni Kim ay ang isang three story house kung saan dito nakatira ang kanyang pamilya. Ang bahay ay located sa isang subdivision sa may bandang Quezon City noong 2011.

ADVERTISING

This time, sa kanyang mga ipon, nagpa-plano na si Kim na magpatayo ng isang mas malaking bahay at ang current house na naipatayo niya ay ibebenta niya.

Sa katunayan, si Coco Martin na kasama niya sa Ikaw Lamang ang nagbuking sa media na dumalaw sa set ng taping nila last Friday evening na may fabulous house na ipatatayo ang young actress na kami mismo ay natuwa dahil ang mga ganitong mga tao na masisinop sa buhay at matiyaga ay may nararating.

Sa mga hindi nakaaalam, matagal ding nakatira ang pamilya ni Kim sa isang bahay kung saan ka-share nila ang mga kamag-anak bago pa man nagsimula sa showbiz ang dalaga.

At least this time, may masasabing “sariling” bahay na ang dalaga na gusto naman niya a bigger house para sa mga mahal niya sa buhay para naman maging komportable para sa pamilya niya.

Mamayang gabi ang finale ng teleserye nila nina Coco at KC at I’m sure mami-miss ni Kim ng samahan nilang tatlo.

Kung tama ang bilang namin, almost eight months din ang itinakbo ng Ikaw Lamang sa ere na isa sa mga top rating teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN.

Sa pagtatapos ng teleserye nila, nanghihinayang si Kim dahil magiging madalang na silang magkakasama nina Coco at KC.

“Most of the time, sa last taping day, nag-iiyakan kami. Mami-miss namin ang isa’t isa. Naging friends kaming tatlo (Coco at KC).”

Sa darating na kaarawan ng aktor, wala pa raw siyang regalo na naiisip. “Basta ang importante, peace of mind for him,” wish ni Kim sa kapartner.

Naalala ni Kim na noong lugmok si Coco dahil sa isyu niya sa fashion show ng Bench noon, awang-awa siya sa aktor.

“Nasa isang tabi lang siya. Tahimik. Hindi nakikipag tsikahan sa amin habang kami naman ay ang kukulit. Kawawa si Coco, pero I’m thankful nalampasan din niya ‘yong pagsubok. Kung sakaling mangyari man ‘yun sa akin, ‘di ko alam ang gagawin ko. Iiyak na lang ako,” kuwento ng young aktres.

Sa pagtatapos ng Ikaw Lamang, “Mami-miss ko ang acting coach ko,” na ang tinutukoy ay si Coco. “Sana magkaroon ng chance na magkasama kami sa movie,” kuwento ni Kim.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING