Kim Chiu, mala-Kpop goddess sa music video ng ‘KIMMI’.

HINDI sikreto sa mga madlang pipol na Kim Chiu is a big KPop fan. Maliban sa pagiging vocal sa mga paborito niyang grupo, nakapag-cover na rin ito ng ilang dance covers na hindi lang basta sumayaw ito, ha? As in todo indak with stunning visuals!

Kim Chiu, mala-Kpop goddess sa music video ng ‘KIMMI’.
Kim Chiu KIMMI video

Katulad ng mga normal na tao na nilamon  ng Sistema ng Kpop lalo na noong nagkaroon ng pandemya, naging escape rin ni Kim ang panonood ng mga Kpop music videos, kaya hindi na kami surprised na may influences of Kpop ang kanyang music video para sa kanyang latest single na ‘KIMMI’.

Sa music video ay nagtatrabaho si Kim bilang isang production assistant na nanaginip na isa na siyang superstar (which is not really a dream because she really is one!). Ang EDM track na ito with Pinoy flava ay sinulat ang prinodyus ni DJ M.O.D., ang resident disk jockey ng It’s Showtime.

Pagkatapos ng kanyang ‘accidental’ hit na ‘Bawal Lumabas’ last year na nagkaroon pa ng digital series, this time ay talagang hinihikayat tayo ni Kim na maging ‘life of the party’ kahit pa bawal pang lumabas. Home parties are fun! Roll up to the party! Unleash the inner Blackpink or ITZY in you!

 

Naaliw din kami dahil may bisaya lines ang kanta. Ito na ba ang magbibigay daan para maging mainstream sa Pilipinas ang VisPop o Visayas Pop sa bansa?

Previous articleJake Zyrus, may buwelta sa mga ‘entitled’ fans na hinahanap-hanap pa rin si Charice
Next articleVLOG WATCH: Luis Manzano reacts to Wedding Memes (laugh trip!)