Kim Chiu at Maja Salvador, plastikan lang ang pagbabati?

ADVERTISING

Kim Chiu at Maja Salvador, plastikan lang ang pagbabati?

Kim Chiu-Maja SalvadorANO BA ‘yan? Nagkabati na nga sina Maja Salvador at Kim Chiu ay kumbakit iniintriga pa.
Andami pa ring bashers at haters na saka lang sumasaya ‘pag nakakapang-okray.
Puwede ba, just be happy for the two? Kung feeling n’yo ay plastikan lang ‘yon, pati ang pagbabati nina Kim at Gerald Anderson ay problema n’yo na ‘yon.
Kalokah talaga ang ibang faney, ‘no?

 

SURPRISINGLY, CERTIFIED boxoffice hit ang hindi bugbog sa promo, walang masyadong TV guestings ang mga bida para i-promote ang kanilang launching movie, wala naman silang pinanggalingang regular show, pero hataw nga sa takilya ang Diary Ng Panget.
Grabe, soldout lahat ng screenings sa Gateway nung first day at kami nga mismo ay hindi na nakahabol sa screening time kaya du’n na kami sa sumunod.
Congrats kina James Reid, Nadine Lustre, Andre Paras, Yassi Pressman at sa Viva Films!
Ang ganda ng movie. Kung nabasa n’yo ang online sensation na isinalin sa libro na “Diary Ng Panget,” alam nyo ang mga eksena sa movie version.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING